Aug. 19, 2008 - Tuesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Gloria tinawag na troublemaker
Jun Tadios
 

Binansagan kahapon ng presidente ng Assumption College of Davao (ACD) si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ‘troublemaker’ at ‘pasimuno’ sa walang puknat na giyera sa pagitan ng mga rebeldeng Muslim at tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa North Cotabato.
Kaugnay nito, hinikayat din ni Sr. Marietta Banayo, presidente ng ACD, si PGMA na magbitiw na sa pwesto upang matigil na ang pagtaas ng bilang ng mga biktima sa nagaganap na giyera ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at AFP sa kanilang rehiyon.
Ayon kay Sr. Banayo, bagama’t nanawagan sila ng ceasefire sa North Cotabato, para sa Assumptionista ay higit na magreresolba sa kaguluhan sa Mindanao ang pag-alis sa panguluhan ni Arroyo. Si Arroyo ay isa ring Assumptionista.
“I know our call for Arroyo to resign is futile but at least we have manifested our sentiments that she has already lost our trust and confidence considering that there is again a new conflict here in Mindanao,” pahayag ni Banayo na nakaposte sa online news ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
“I don’t know if she has been informed properly that the recent fighting here has caused a lot of damage and the civilians especially the women and children are becoming sacrificial lambs,” giit pa ni Banayo.
Ipinaabot din ng pamunuan ng ACD ang pakikiisa nila sa panawagan ng mga taga-Mindanao para sa pang-matagalang solusyon sa kapayapaan.
Nanindigan Sr. Banayo na hindi sila titigil sa pagkastigo sa gobyerno lalo na sa pagkakataon na naliligaw ang pangulo ng landas na tinatahak.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES