KA-CHAT ko si Raymond Gutierrez kahapon sa facebook.com.
Kinumusta ko ang TV host kung ano ang masasabi niya at si Gretchen Espina ang nanalo bilang first Pinoy Idol?
Sino ba ang bet niya among Gretchen, Ram Chaves and Jayann Bautista?
“Okey lang sa akin na si Gretchen ang nanalo. I think she really worked hard para manalo. Pinagbuti niya ‘yung performance niya,” sey ni Raymond.
“Pero wala talaga akong bet na as in bet na bet na gusto ko talaga na ‘yon ang manalo. Kahit sino sa kanilang tatlo, okey lang sa akin.
“Lahat sila eh magagaling. I think they all worked very hard.
“Si Gretchen, ako pa mismo ang nag-interview sa kanya when she first auditioned sa SMX, so I saw her since day one.
“Nakita ko kung paano siyang nag-improve,” pahayag ni Raymond.
After ng announcement ng first Pinoy Idol noong Linggo ay naki- party si Raymond sa finalists at staff ng nasabing show.
“Napuyat ako. Masaya sa party. I bonded with all of them. Nandoon din sina Karylle at Rhian (Ramos).
“Masaya na malungkot. Masaya dahil I can party again on weekends dahil tapos na ang Pinoy Idol. Malungkot dahil mami-miss ko ang lahat ng mga kasama namin sa show.
“Mami-miss ko ‘yung after ng SOP Rules eh natataranta na kami dahil kailangan na ako sa MOA (Mall of Asia) para nga sa Pinoy Idol,” tsika pa ni Raymond.
***
Habang ka-chat ko si Raymond ay tinawagan siya ng kakambal niyang si Richard Gutierrez na nasa set ng Codename: Asero
Matagal ang kuwentuhan ng kambal.
After ng tsikahan nila, ako na naman ang ka-chat ni Raymond.
“Nagkuwento si Chard tungkol sa shooting niya kagabi ng For The First Time. Ikinukuwento niya ‘yung dramatic scene niya na kinunan at kung paano siya minotivate ni Direk Joyce (Bernal).
“Bilib si Chard kay Direk Joyce. Lalo raw gumanda ang eksena dahil tinuruan siya kung paano gagawin ang eksenang ‘yon.
“Lalo raw ginanahan si Chard na mag-shooting para sa For The First Time nila ni KC (Concepcion),” sey pa ni Raymond.
Naikuwento rin ni Raymond sa akin na nag-text sa kanya si KC para ikuwentong gumawa ng plugging sina Angel Locsin at Piolo Pascual para i-endorse ang For The First Time.
“How nice naman nina Angel at Piolo. Nakatutuwa naman,” masayang kuwento pa ni Raymond.
Sa Huwebes ang last shooting day ng For The First Time at sa araw na ‘yun kukunan ang ending ng pelikula.
Simula sa Sabado ay abala sina Richard at KC sa pagpo-promote ng kanilang pelikula sa iba’t ibang shows ng ABS-CBN at GMA 7.
***
May US premiere nights ang Ploning ni Judy Ann Santos.
Kasalukuyang inaayos ni Aida Arceo ang schedule ng Ploning premiere nights sa Amerika.
Kahit Abril pa nang i-showing sa Pilipinas ang Ploning ay gusto pa rin ng fans ni Juday sa Amerika na mapanood ang pelikula kasama ang kanilang idolo.
Tatlong lugar na sa US ang kumpirmadong pagpi-premiere-an ng Ploning -- Dallas, Las Vegas at Glendale.
Ang dinig ko, marami pang ibang producer sa L.A. na gustong kunin kay Aida ang rights para ipapremiere ang Ploning.
|