HAPPY FIESTA sa mga kababayan ko sa Lucban, Quezon! Kapistahan ngayon ng patron saint ng Lucban na si SAN LUIS, OBISPO NG TOLOSA (Pebrero 1274-Agosto 19, 1297).
Inaalala rin ngayon ang kapanganakan ni MANUEL LUIS QUEZON (Agosto 19, 1878-Agosto 1, 1944), ang unang Filipino president ng Commonwealth of the Philippines.
Happy b-day rin kay MOTHER LILY MONTERVERDE ng Regal Entertainment.
Muli, ang pakiusap namin sa mga mambabasa… HUWAG PO NINYONG SERYOSOHIN ang mga kabulastugang natitipon sa pitak na ito.
Jokes lang po, walang personalan.
***
DUMARAMI na ang mga MANGANGALAKAL sa ating bansa.
Ito na marahil ang PAG-ANGAT na masidhing mithi ng PAMAHALAAN.
Mga KABATAANG nagsisilbing YAMAN ng kanilang mga magulang.
Ngayon pa lang ay mulat na ang kaisipan sa PANGANGALAKAL.
Ayon sa mga BAGONG MANGANGALAKAL na ito, kumikita sila ng P100 hanggang P300 bawat araw.
Mabuhay ang kabataang pag-asa ng bayan! Ang mga makabagong mangangalakal na nagkakalkal ng basura! [Adarmi]
***
BOY: Pakasal na tayo!
GIRL: Ayoko! Kasi, ‘pag kasal na tayo, dapat kong gamitin ang iyo! Hindi ko kaya… masyadong mahaba! Mahihirapan ako! Mangangawit at mangangalay ang kamay ko! Sobrang haba ang apelyido mo… Datingbatungbakal. Ang hirap isulat! [0917-817-7247]
***
MISIS: Hay, naku! Ang taas na ng mga bilihin ngayon! Lahat na lang, nagsitaasan na!
MISTER: Oo nga, dear, nagsitaasan na lahat! Panty na lang ang bumababa! Bagsak-presyo pa! Dati, P500. Ngayon, P50 na lang! [Biboy, 0928-633-9880]
***
Sa Science class…
TITSER: Juan, bakit nagpa-panty at bra ang mga babae?
JUAN: Ma’am, nagba-bra po ang mga babae para protektahan ang kanilang mga BUNDOK, at nagpa-panty sila para protektahan ang kanilang GUBAT! [0921-358-3704]
***
Minsan, nagkukuwentuhan tayo nang bigla mong sinabi na cute ka…
Ayun…
Doon nauso ang JOKE! [Jhunax, Toffie, Baby Chinito]
***
“Kahit paano, gusto ko rin ng exposure.” -- SINGIT
“Ako lang ang magkakapagpadugo sa ilong ni Pacquiao.” -- ENGLISH
“Sige, kalimutan mo ako para malaman ng iba ang baho mo!” -- DEODORANT [Joker]
|