Aug. 19, 2008 - Tuesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
‘Half-Blood Prince’ next year na ipapalabas
 

WAGI sa puso ng mga manonood ang mga sinenobelang Magdusa Ka at Gaano Kadalas ang Minsan ng GMA 7.
Batay sa survey ng AGB Nielsen Media Research mula Hulyo 20-26, nakuha ng dala­wang tinututukang obra sa hapon ang una at ikalawang pinakamataas na puwesto sa  top 100 daytime drama.
Nakapagtala ang mga ito ng average na 20%.
Simula pa lang ng Magdusa Ka noong Mayo 12 ay hindi na ito nagdusa sa ratings. Ang pilot episode nito ay nakakuha ng overnight ra­tings na 24.3%. 
Patok ang tambalang Dennis Trillo at Katrina Halili na sinamahan pa ni Iwa Moto sa Magdusa Ka.
Sa huling dala­wang linggo ng nasabing si­nenobela, abangan ang mas matitindi at mas makapigil-hiningang mga eksena.
Hindi rin paaawat ang Gaano Kadalas ang Minsan nina Marvin Agustin, Diana Zubiri at Camille Pratts.
Ang programang ito ang may hawak ng pi­na­kamataas na overnight ra­tings sa mga pang­hapong drama nang makapagtala ito ng 27% sa isa sa mga episode nito. 
***
Matapos ang
apat na linggong paghahari sa takilya ng North America, natanggal na sa pangu­nahing puwesto ang The Dark Knight.
Nanguna sa takilya ng North America last weekend ang bagong bukas na comedy na Tropic Thunder, na pinagbibida­han nina with Ben Stiller, Robert Downey Jr., Jack Black at Tom Cruise Ti­natayang $26M ang opening weekend gross nito.
Ang Batman movie ay humamig ng humi­git-kumulang $16.8M last weekend, kaya ang domestic gross nito ay uma­bot na sa $471M.
#2 na sa talaan ng all-time domestic blockbusters (hindi adjusted sa inflation) ang pelikula nina Christian Bale (bilang Bruce Wayne a.k.a. Batman) at Heath Ledger (bilang The Joker).
#1 ang Titanic ($600.8M), at #3 ang Star Wars ($461M).
***
Next year na ipapalabas ang pelikulang Harry Potter and the Half-Blood Prince.
Hindi tuloy ang pag­papalabas nito sa Nobyembre 21, 2008 sa North America.
Inilipat ng Warner Bros. ang playdate nito sa Hulyo 17, 2009.
Ang pabalat pa naman ng magasing Entertainment Weekly sa August 22-29 fall-preview issue nito eh ang bida sa Harry Potter movies na si Daniel Radcliffe.
Ang nasabing magasin at ang film outfit na Warner Bros. ay parehong nasa ilalim ng kumpanyang Time Warner.
Heto ang isang entry sa Hollywood Insi­der blog ng magasin, “In an irony sure to set blogger hearts beating giddily, the film graces the co­ver of EW’s new fall preview issue.
“EW and Warner Bros. share a parent company, but they clearly do not share, you know, important ... information.”
Take note na ang July 17 release ay kaparehong weekend nang mag-debut ang blockbuster ng Warner Bros. na The Dark Knight.
Ang umokupa ng binakanteng playdate ng Half-Blood Prince ay ang vampire romance na Twilight, na ang orig na schedule ng release ay Disyembre 12.
Ang report na ito ay hinalaw sa AP (Associated Press).
***
Magtatanghal nang live si Lani Misalucha sa Trinoma (Biyernes, Agosto 22) at Greenbelt Park (Sabado, Agosto 23) kaugnay sa promo ng album niyang Reminisce.
Parehong 7:00 PM ang simula ng libreng palabas.
Kapagkuwan ay ba­balik na sa Amerika si Lani para sa Main Event concert tour nila ni Regine Velasquez.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES