August 18, 2008 - Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
GRETCHEN, UNANG PINOY IDOL
Joe Barrameda
 

SI Gretchen Espina ang tinanghal na unang Pinoy Idol ng GMA 7 kagabi.
First runner-up si Jayann Bautista, at 2nd runner up si Ram Chavez.
Si Gretchen ay anak ng gobernador ng Biliran.
Dalawang taon si Gret­chen nang magsimulang umawit. Iniidolo niya sina Regine Velasquez, Jaya, Aretha Franklin at Dia­na Ross.
“I love to sing songs na makabagbag-damdamin,” sabi ni Gretchen.
***
Itinext sa amin ng ta­lent manager na si Ms. Becky Aguila ang panga­nganak ni Jennylyn Mercado via caesarian ng baby boy kamakalawa.
“Both mother and son are doing fine. Jen’s requesting for privacy for the meantime. Hope you understand. Thanks for your prayers and support,” txt pa ni Ms. Becky.
***
Ipinakilala ni Anna­belle Rama sa movie press si TJ Trinidad noong Sabado nang hapon bilang bagong alaga niya.
Matagl nang wala sa poder ni June Rufino ang actor at dahil matagal na walang project ay nagpunta muna siya sa New York.
Nang kunin si TJ para gumanap na kapatid ni KC sa pelikulang For The First Time ay agad itong pinauwi ni Annabelle.
Paspasan ang shooting ng nasabing pelikula para umabot sa premiere at sa August 27 ang playdate nito.
Minamadali man ay hindi hahayaan ni Direk Joyce Bernal na mapaba­yaan ang kalidad nito.
***
As always, hindi nagre­reklamo si Richard Gu­tierrez sa dami ng kanyang trabaho.
Alam niya na siya rin ang magbe-benefit dito.
Hindi rin napapaba­yaan ang arte niya sa Codename: Asero kahit abala siya sa For The First Time.
Basta maayos ang schedule niya at walang masasagasaan ay okay lahat ito kay Chard.
Si Eddie Gutierrez pala ang gaganap na tatay ni Chard sa pelikula at kapatid niya sina Ana Roces at Bubbles Paraiso (na kahit baguhan pa lang sa lara­ngan ng showbiz ay ma­galing nang umarte).
Napansin ng ilang ka­samahan namin sa pa­nulat na nakapanood ng ilang shots ng pelikula sa Star Cinema office na may lalim na ang akting ni Richard.
Meaning, na­paarte nang husto ni Direk Joyce Bernal si Richard sa pelikulang ito. 
***
Balik ang sigla sa Zirkoh Greenhills dahil sa mga bago at lalong katawa-tawang spoofs at kalokohan nina Gladys Guevarra at Teri
Onor na matagal tagal ding nawala sa Zirkoh.
Sana, magtuluy-tuloy na si Teri sa shows niya sa Zirkoh at Klownz comedy bars kahit bumalik si Allan K.
Nasa Canada ngayon si Allan K for a series of shows with Rufa Mae Quinto and Giselle Sanchez.
Kung nalalayuan kayo sa ibang comedy bar ay go na kayo sa Zirkoh Greenhills na may malaking parking.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES