August 18, 2008 - Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Ai Ai, pagiri-giri lang kay Gabby
Joe Barrameda
 

NAPANOOD namin ang concert ni Gabby Concepcion sa Music Museum noong Agosto 15 at 16.
May mga kaibi­gan kami na nakiusap para ibili sila ng tiket sa na­sabing concert. Dito namin nakilala ang batambatang producer na si Arlene Lipana na sanay na sa pagpoprodyus ng mga concert sa iba’t ibang lugar.
Ayon kay Arlene ay napanood niya si Gabby nang mag-guest ito sa concert nina Pooh at Pokwang sa Music Museum kamakailan. Tinanong na­min si Arlene what made her decide to produce Gabby’s concert.
Sagot niya sa amin, “I believe that he has reinvented himself. From his heydays, he has become a better perfor­mer now... one who performs from his heart.”
Buhos ang ulan noong Biyernes ng gabi pero hindi ito naging sagabal para sumugod sa Music Museum ang mga bumili ng tiket plus ang mga walk-in.
Mabuti na lang at may available pa sa bandang itaas ng theatre.
Napansin namin na ang mga nanood ay mga med­yo may edad na mga tagahanga ni Gabby noong kasikatan pa niya.
Nakita namin si Maloli Espinosa at gustung-gusto raw ng mother niya na mapanood si Gabby at kaya sinamahan niya ito.
Marami sa mga nanood ay hindi basta-basta at kuntodo de-alahas. Hindi nila ininda ang hirap sa pag-akyat sa napakaraming baytang bago mo marating ang teatro ng Music Museum.
Dahan-dahan nilang kinakapa ang medyo madilim na mga baitang sa loob ng teatro tuwing sila ay tatayo para pumunta sa CR.
Guwapo at simpatiko pa rin si Gabby. Sa bawat kanta niya ay kinikilig ang mga manonood, lalo na ang mga nasa harapan na pinaghahalikan si Gabby.
Alam ng mga nanood na hindi singer si Gabby kaya okay lang kung paminsan-minsan ay suma­sablay ang actor at minsan ay mali ang pasok.
Pinapalakpakan siya ng mga tao bilang suporta sa kanyang pagkanta.
Magaganda ang mga inawit ni Gabby na pulos OPM songs na inumpisahan niya ng Manila ng Hotdogs.
Inihandog niya sa kanyang manager na si Mommy Rose Flaminiano ang kantang Bakit Ngayon Ka Lang. Ikinuwento ni Gabby, nagkita sila nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino sa Hawaii. Naroon si Mommy Rose na inumpisahan siyang kumbinsihin na bumalik sa Pilipinas at balikan ang pag-aartista dahil marami raw ang nagha­hanap sa kanya rito.
Nagtagumpay si Mommy Rose unlike noong 2000 kung saan kasama namin si Senador Jinggoy Estrada sa Los Angeles at nakipagkita sa amin si Gabby over lunch.
Aayusin sana ang pag-uwi niya pero sa hindi namin alam na kadahilanan ay hindi natuloy.
***
Ang mga panauhin ni Gabby noong August 15 concert ay sina Maja Salvador, Ai Ai de las Alas at Pops Fernandez. Noong August 16 naman ay sina Ai Ai at Pops ulit plus Iya Villania and Claudine Barretto.
Riot ‘yung number nila ni Ai Ai dahil sa usual bastusan with Ai Ai to the delight of the crowd.
Walang hipuang nangyari. Siguro, shy si Ai Ai at pagiri-giri lang.
Na-shock si Gabby sa pinaggagawa ni Ai Ai. Medyo naging conservative yata si Gabby at nahihiya siya sa mga tao.
Nakaayos-Sharon Cuneta si Ai Ai kaya aliw na aliw sa kanya ang mga nanood, lalo nang ginagaya niya ang mannerisms ni Shawie.  
ABBA medley ang kinanta ni Ai Ai with four backup dancers na may kahalong kakengkoyan with matching hipuan sa male dancers.
***
Ang kantang Kaibigan ay inialay naman ni Gabby sa mga anak niya.
Speaking of anak, dadalo siya sa premiere showing ng For The First Time na ipinangako niya kay Annabelle Rama na nasa crowd noong August 16 show.
Natatawa si Gabby at hindi na niya alam kung tatawagin si Annabelle na Tita Annabelle o balae.
***
Sina Maja at Iya ay dance numbers ang ginawa, at sina Pops Fernandez at Claudine Barretto ay may solo at duet with Gabby.
Nag-duet sina Gabby at Claudine ng Iisa Pa Lamang.  Sina Pops at Gabby naman ay ang Bakit Ngayon Ka Lang ang duet. Hindi namin nabilang kung ilang songs ang inawit ni Gabby pero pulos magaganda at nagbabalik alaala ang mga tao sa OPM songs, na may isang number na nagpu-flute si Jhong Cuenco.
Nagsara ang concert sa pagkanta muli niya ng Manila at may encore pa na Hanggang.
Napakasaya ng concert at panalo ang producer. Balita namin ay iikot pala ang concert na ito sa big cities sa Pilipinas.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES