|
|
ENTERTAINMENT
Yilmaz, ipinagpaliban ang pag-alis Nagpainterbyu si Yilmaz
Bektas kahapon sa Showbiz Central. Alam kasi ng Turkish-businessman
na show ng bayaw niyang si Raymond Gutierrez ang Showbiz Central. After ng interbyung ‘yon, nagtuloy na sa NAIA si Yilmaz para sa kanyang 6:50 PM flight. Hindi na sumama sa airport si Ruffa Gutierrez at ang mga anak nilang sina Lorin at Venice. Malulungkot lang daw lalo si Yilmaz kung maghahatid pa sa kanyang pag-alis ang kanyang pamilya. Mga 5:00 PM ay tinawagan kami ni Ruffa para sabihing hindi tumuloy si Yilmaz sa pag-alis. Nakarating daw si Yilmaz ng NAIA at nakapag-check-in na. Pero sa sobrang lungkot na maiiwan niya ang kanyang mga anak (pati kaya si Ruffa?) ay nag-decide ito na ipagpaliban ang kanyang biyahe. Bukas na lang daw aalis ng
‘Pinas si Yilmaz. "Sasama raw siya sa shooting ng Desperadas bukas (ngayon). Sasali raw siya sa eksena. Ewan ko. Siguro nagbibiro lang. Pero knowing Yilmaz, baka totohanin. "Mabuti na lang at dalawa lang yata ang eksena ko bukas sa shooting kasama ang children’s party. "Miss na raw kaagad niya ang mga bata," natatawang kuwento sa amin ni Ruffa sa kabilang linya. Naku, kapag nakarating kay Mother Lily Monteverde (prodyuser ng Desperadas) na nandito pa si Yilmaz ay baka kabahan na naman ito. Aba, noong Martes kasi ay nag-pack-up na ang shooting ng Desperadas para mapagbigyan si Yilmaz na makasama si Ruffa at ang mga anak sa Tagaytay City, huh! Mukhang totohanin ni Yilmaz ang naunang pahayag na 10 days siyang mag-i-stay rito sa ‘Pinas. *** Kahapon ay isinulat namin na noong Miyerkules, nalampasan ng Kokey ng ABS-CBN 2 ang rating ng Mga Mata ni Anghelita ng GMA 7. May mga email kaming natanggap na nagsasabing huwag munang magsaya ang mga taga-Dos dahil isang araw pa lang na nangyari ‘yon. Noong Huwebes ay umariba na naman sa rating ang Kokey na pinagbibidahan nina Ruffa, Redford White, Zanjoe Marudo, Nova Villa, Ryan Eigenmann, Boots Anson-Roa, ilang child stars ng Dos at Eugene Domingo (naku, talagang nakakabaliw ang mga katatawanan ng babaing ito). Nakakuha ang Kokey ng 33.6% ratings samantalang ang Mga Mata… ay naka-31.3%. Kahapon ay binati ng big bosses ng Kapamilya network ang mga artista, mga staff ng Kokey, pati na rin ang mga direktor ng fantaserye na sina Wenn Deramas at Andoy Ranay. Giliw na giliw ang mga bata sa karakter ni Kokey. Pati mga magulang ay nagtatanong sa amin kung sino ba ang nasa loob ng costume na Kokey? Hindi namin kilala kung sino ang nagsusuot ng costume na Kokey, pero sa totoo lang, magaling umarte ang taong ‘yon. *** Ngayong araw na ito ang second telecast ng Celebrity Duets. Mamayang gabi rin, may matatanggal nang celebrity contestant sa show na iniho-host nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Dalangin ni Dr. Manny Calayan na suportahan siya ng mga tao sa Celebrity Duets dahil kaarawan pa naman niya sa araw na ito. Biniro namin si Doc Manny na huwag na siyang umasa ng birthday gift sa amin dahil iboboto na lang namin siya. Natawa lang ang favorite cosmetic surgeon namin. Si Annabelle Rama na isa sa endorsers ni Doc Manny ay kinansela ang kanyang biyahe ngayong araw na ito papuntang Cebu para magbigay ng moral support sa pamosong beauty doctor. "Sa Linggo na lang ako pupunta sa Cebu. Kailangang suportahan ko si Doc sa Celebrity Duets. Baka kasi magtampo at birthday pa naman niya," sey ni Bisaya. Hmph! Wala kaming masabi, ha! Ang lakas ni Doc Manny kay Bisaya. Aba, lahat ng guestings tungkol kay Yilmaz ay tinanggihan ni Bisaya dahil pupunta siya dapat sa Cebu ngayong araw na ito, pero nabago ang kanyang schedule dahil sa pagmamahal niya sa mister ni Dr. Pie Calayan! Anyway, sa mga gustong bomoto para kay Doc Manny, pwede kayong mag-text ng DUETS <space> MANNY at i-send sa 2344 for Globe at Touch Mobile at 367 for Smart and Talk & Text. Happy, happy birthday, Doc Manny! *** For feedback, email junlalin@gmail.com |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|