|
|
ENTERTAINMENT
Lucy, ayaw pumuti nang husto si Goma Nag-guest si Manay Lolit Solis sa Nuts Entertainment kung saan isinalang siya sa Balakubak na segment nina Joey de Leon, Janno Gibbs at Anjo Yllana. Sa halip na siya ang tinusta ng mga tanong ng tatlong host, nabaligtad ang mga pangyayari. Binuking-buking ni Manay Lolit ang tatlo kung sinu-sino noon ang mga artistang na-link sa kanila. Gulat na gulat ang mga staff ng naturang gag show sa mga rebelasyong binulatlat ng Startalk host. Na-touch ako sa sagot ni Manay Lolit sa isang tanong ni Tito Joey kung ano ang tatlong regalong gusto niyang matanggap sa darating na Pasko. Hindi ko na iri-reveal ang dalawa para abangan n馳o sa Nuts Entertainment, pero ang unang regalong hinihingi niya ay sana, tuluyan nang gumaling si Rudy Fernandez na kaagad sinang-ayunan ng tatlong host. Nang lumabas ang exclusive coverage ng Startalk nung Sabado sa pagpapa-check up ni Daboy sa Hong kong, ang daming nag-text at nag-alay ng dasal para sa aktor. Meron pang magagaling na doktor na nag-alok kung meron silang pwedeng maitulong. Mabuti at sa mga huling interview ngayon kay Lorna Tolentino, pawang magagandang balita ang ibinabahagi ng aktres kapag natatanong tungkol sa kalagayan ni Daboy. Sa last shooting day ng Katas ng Saudi nung Huwebes, ikinuwento ni LT na gusto na ni Daboy na bumalik sa trabaho. Feeling ni Daboy, kaya na niyang mag-taping o mag-shooting kahit magdamagan. Pinagsabihan na lang ito ni LT na huwag muna at kailangang tuluy-tuloy ang pagpapagamot para matiyak na mawala ang cancer. Maganda ang resulta ng PET/CT scans pero kailangang tapusin daw ni Daboy ang 22 chemotheraphy kaya may bubunuin pa itong anim na session. Pagkatapos nu地 ay babalik sila ng Hong Kong para sa PET/CT scans at inaasahang mas maganda ang resulta nito sa mga nakaraan nilang test. *** Iritang-irita si Ara Mina
nang nakausap namin nu地g Huwebes nang gabi dahil dapat ay aalis na siya
patungong Amerika para sa series of shows niya sa San Diego at Los
Angeles, California. Nakadalawang-balik na si Ara sa US Embassy para ayusin ang kanyang working visa pero hindi pa siya nabigyan dahil sa kulang ang papeles na dapat ay ipadala ng kanilang producer. Ang ikinaloka pa ni Ara, mali raw ang ini-apply sa kanya ng producer samantalang tama ang kina Freddie Aguilar at Ella V na kasama niya sa mga show roon. Nakaalis na nu地g Huwebes sina Freddie at Ella pero si Ara ay hindi pa dahil sa hinihintay pa niya ang kulang na papeles para maayos ang kanyang working visa. Sa Sabado na raw ang unang show niya sa San Diego, pero nandito pa siya. Dapat kahapon ay nabigyan na siya ng visa dahil sarado ang US Embassy pag Sabado. Gusto nang magpa-interview ni Ara sa mga TV show para makarating ang nangyari sa Amerika at mapanood ng ating mga kababayan doon. Mahirap na raw at baka siya pa ang babaliktarin ng kanyang producer. Todo na raw ang promo roon na kasali siya sa show, kaya baka ibahin daw ng producer ang kuwento kung hindi siya makarating. Kailangang ipaliwanag ito ni Ara para malaman ng mga kababayan natin doon sa Amerika kung ano ang tunay na dahilan ng di niya pagsipot. As of Thursday night ay umaasa pa rin ang aktres na makaalis siya. *** Proud na proud si Dra.
Vicki Belo sa tatlong endorser ng bago niyang produktong Belo Essentials. Bago pa lang itong mga produkto niya, mabentang-mabenta na ito sa mga outlet na pingabebentahan dahil bukod sa affordable ang presyo, maganda ang quality na makikita mo ang resulta pagkatapos mong gamitin. Sa press launch nito nu地g Miyerkules, si Lucy Torres ang tinanong namin kung kailangan pa ba niya ng mga produkto ng Belo Essentials dahil sobrang puti na niya at napaka-flawless ng balat. "Kailangan ko ng maintainance dahil may show ako, 惣ung Sweet Life sa Q-11. Matagal akong naka-expose sa ilaw, eh," sagot ng misis ni Richard Gomez. Mga sabon at lotion ng Belo
Essentials ang laman ng banyo nila kaya tiyak niyang ginagamit din ito ni
Goma para pumuti nang konti ang aktor. "Pero hindi siya ganu地 ka-vain, eh. Walang kaarte-arte sa katawan. Saka ayoko namang pumuti siya nang husto dahil ayaw naman niya," balik sa amin ni Lucy. Tini-treasure ni Lucy ang mga karanasan nila nu地g nakaraang eleksyon dahil ang dami daw niyang natutunan sa pangangampanya. Hindi raw naging traumatic sa kanila kahit hindi pinalad ang kanyang asawa. Sakaling mag-decide si Goma na tumakbo uli sa 2010, hindi niya ito pipigilan at lalo niyang susuportahan. Nag-e-enjoy si Lucy sa kanyang hosting job sa Sweet Life lalo na稚 nakakapag-guest sa kanya ang ilang kilalang celebrities na mahirap imbitahan sa mga talk show. Guest-friendly siya. Hindi siya ang tipo ng host na nang-iipit ng guest para makakuha ng mga nakaiintrigang isyu. Kapag tingin niya ay hindi kumportable ang guest sa mga isyung pag-usapan, kahit anong pilit ng writer niya na itanong, hindi niya ito itinatanong. Mas iniisip niya ang kalagayan ng kanyang guest.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright ゥ 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|