Alfie Lorenzo  

Abu Tilamsik  

Jun Lalin

Allan Diones  


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Mother Lily, kabi-kabila ang selebrasyon


Bukas pa lang talaga, August 19 ang 68th birthday ni Mother Lily pero one week na ang simple celebrations niya, parte-parte para sa mga kaibigan niyang hindi kaibigan ng ibang friends niya.

Para walang iwasan at walang away, may lunch at dinner si Mother Lily para sa iba’t ibang friends and foes, friends in need and other friends in deed!

Nu’ng Miyerkules ay may selebrasyon na ang Wednesday Club ni Mother Lily sa poolside ng Imperial Palace Suite.

Kahapon naman ay tinawagan kami ni Mother Lily for lunch (at 4:30 PM?). Sinabi naming malamig ang kuwarto namin kaya masarap maghihiga, sa gabi na lang daw, dinnertime.

If I know, hihingi lang siya ng additional shooting days for Kulam for September. Sa August 28 and August 30 kasi ang next shooting ni Juday for Kulam at may ibinigay na ring schedules si Juday for September.

Kasabay ni Manuel Luis Quezon ang birthday ni Mother Lily bukas kaya kahit Linggo bukas ay holiday tiyak ‘yun for QC residents na magdiriwang sa paglulunoy sa baha?

Patuloy ang pasasalamat namin sa Mahal na Poong Nazareno at Sto. Niño sa pangangalaga nila sa aming distrito sa Panay Ave. dahil ligtas kami sa malakas na ulan, hangin at baha.

Gusto namin talagang paniwalaan (kahit ‘yung iba ay hindi naniniwala at namamatay sa inggit!) na pinagpapala kami ng Diyos dahil sa kabutihan niya na aming sini-share sa aming kapwa! Amen.

Hapi, hapi b-day, Mother Lily. At sana, talagang hapi ka sa edad nating 68 na, ha!

***

Naloloka naman kami sa iskedyul ng DZMM teleradyo ngayon gawa ng magulong Saturday programming ng ABS-CBN na nagdagdag ng bagong show, itong Entertainment Live na wala namang binawas na ibang programa na dapat nang matsugi.

Apektado tuloy ang iskedyul ng TV Patrol na naatras, kaya pati ibang mga programa ng DZMM ay apektado.

Last Saturday, nagtuluy-tuloy ang Radio Negosyo until 9:45 PM. Nawala tuloy ang Showtime with Billy.

Kami naman na 10:00-11:00 PM ang time slot ay pumasok nang 10:15 PM na. Nanduon naman kami 8:30 PM pa lang, nag-aabang na sa lobby ng ABS-CBN at nagulat na lang kami nu’ng makita namin si Papa Alex Santos na palakad-lakad lang sa lobby, kasi, hindi niya alam kung anong oras papasok sa ere ang TV Patrol nila. Nagpa-patrol lang siyang mag-isa sa lobby, huh!

Nanduon na kami bilang pinchhitter for Showtime with Billy, eh sana cut-off na ang Radio Negosyo nang 9:00 PM at pasok na ang Showtime with Billy at cut-off na lang nang 9:45 PM, debah naman?

"I have no idea po," sagot ni charlie ‘Elizabeth’ na bantay sa tanong namin na what happened?

Ngayong gabi naman nang Sabado ay 8:00 PM daw ipapasok ang ‘Showtime with Billy’ at magkakaroon kami ng break nang 9:00-10:00 PM, at saka kami papasok ng 10:00 PM kaya?

Kaya sa mga teleradyo listeners and viewers namin, we are advising them of the sudden changes -- kaya get ready na lang po, lalo na sa listeners namin abroad na 5:00 AM pa lang sa ibang bansa ‘yung oras na ‘yun, ha!

***

Parehong nakapasok sa Grand Finals ng Can U Dance Version 2 ang dancing pairs nina Rodjun Cruz & Lina Basas, at Gem Ramos & Gabby Battalion.

Ngayong gabi, limang pares ang maglalaban-laban para sa isang slot sa Celebrity Showdance Grand Finals.

Sila ay sina Sheree & Sergio Machon Jr. (ng Iloilo), Cassandra Ponti & Bong Aguhar, Michelle Murenech (dating PDA Scholar) & RJ Rico (ng Roxas City), Dianne Medina (ng Star Magic) & Ian Bantolo, Thou Reyes (dating child star) & Eva Rocero.

Sa Sayaw Baranggay weekly competition, magtutuos naman ang grupong Hard Thug (ng Parañaque) at IBP Dance Masters (ng Baguio).

Mapapanood ang U Can Dance Version 2 ngayong gabi pagkatapos ng XXX sa ABS-CBN.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top