|
|
ENTERTAINMENT
Rudy, bumuka ang mga gatla sa palad Ang Katas ng Saudi
nina Sen. Jinggoy Estrada at Lorna Tolentino ang pinakaunang natapos sa
mga pelikulang kalahok sa 2007 MMFF sa Disyembre. Nu’ng Huwebes ay nag-last shooting day na ang family comedy movie ni Direk Joey Reyes. Sabi sa amin ni Ms. LT, nu’ng Abril pa nila ito sinimulan pero kung susumahin ay mga naka-15 shooting days lang sila. Aniya, tailor-made para kay Sen. Jinggoy ang role nito na isang pamilyadong OFW. Wish niya na matuloy ang binabalak na international screening ng pelikula sa Saudi Arabia. Kumusta naman ang kissing scene nila ni Jinggoy? "Ay! GP po ito, General Patronage. Walang kissing scene, lambingan lang talaga. Kasi, hindi naman kailangan sa istorya, eh! "Kung kailangan, why not? Kaya lang, baka mandiri kami sa isa’t isa! Kaming dalawa ni Jinggoy, magki-kiss? Yucckkk!!! Ha! Ha! Ha!" halakhak ni Ms. LT na super-close kay Jinggoy at sa misis nitong si Ms. Precy Ejercito. *** Masayang ibinalita sa amin
ng premyadong aktres ang patuloy na gumagandang kalagayan ng mister niyang
si Rudy Fernandez. "Daboy is getting better. Almost complete ‘yung response ng kanyang chemotherapy. Mild activity na lang ‘yung kanyang lesions. ‘Yun lang, hirap siya, kasi ang haba ng chemo niya, eh! Twenty-two kasi ‘yon, nasa pang-18 na siya next Wednesday, so four to go," matamang kuwento ni Ms. LT. "Pero very mild na lang talaga ngayon (‘yung tumor niya). Halos wala na, eh! Kaya lang, kailangan ‘yon complete na wala talagang makikita after nitong 6-cycle chemo niya. Hindi pwedeng hindi tapusin ‘yon. "Last week, parang nagkaroon ng cuts ‘yung mga gatla (mga linya) sa palad niya. Bumuka lahat, para siyang hiniwa ng blade at malalim, huh! "Kasi, ‘yung chemo peel niya, masyadong malakas. So, ang ginawa ng doktor, one week siyang pinagpahinga sa chemo peel niya para mag-close (‘yung mga sugat). Nag-close naman. "Iyung chemo peel niya na Xeloda, iniinom ‘yon. Bale 120 tablets ‘yon. ‘Yun ang matindi at maraming side effects like loss of hair at sa mismong katawan mo physically. "Tapos, meron pang isa, ‘yung tinatawag na drip na parang dextrose. So, meron na siyang porta cut dito (sa may left collar bone niya),‘yung big vein niya, may parang daanan na… "Isang chemo rin ‘yon. Gemzar ang pangalan no’n. So, merong oral (na chemo drug), meron ding intravenous. "Iyung two cycles na ginawa sa kanya before, walang oral ‘yon, puro drip lang. Ang problema, hindi ganu’n ka-effective sa kanya. Kumbaga, kailangan, stronger," tsika pa ng aktres. Sa Startalk last time ay ipinakita na kalbo si Daboy. Ano nang itsura nito ngayon? "Kumakapal na ulit ang hair niya, gumaganda na ang tubo. Kasi, ginamitan ko ng clipper #2. ‘Yung ginagamit na panggupit ng mga barbero, alam mo ‘yon? "Nu’ng naging maiksi na ‘yung hair niya, hindi na masyadong naglulugas. So, tumubo na. Mas dumami. Ang ganda ngayon, ang kapal. Ang gandang tingnan. "Dati kasi, nu’ng mahaba pa ang buhok niya, pagtayo niya sa kama, makikita mo lahat naiiwan sa unan. ‘Pag naligo siya, paghawak mong gano’n, ang daming buhok na nalulugas. So, baka malugas lahat. Ginupitan ko nang maiksi, ayun, okey na siya ngayon. "He’s doing fine, thank God talaga! ‘Pag nakumpleto na ‘yung chemo niya, kailangan ultrasound every month at saka PET/CT Scans every two months. Monitor nang husto. "So, pwedeng totally mawala ‘yung cancer. Ang problema lang, ‘pag nagkaroon ka na, puwedeng mag-recur, lalo na kung aggressive ‘yung cancer cells. "Iyun ang nakakatakot. So, ‘yun ang ayaw kong isipin. Ang iniisip ko, gagaling siya, period. Meron namang hindi na talaga bumabalik, eh! So, ‘yun ang pinagpi-pray ko," sambit pa ng dakilang maybahay ni Daboy na si Ms. LT.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|