|
Rozanno, ayaw nang ma-link kay Pokwang Foreign shows ng Studio 23, makikipagsabayan sa US 2 bokalista ng Southborder, tumiwalag
|
ENTERTAINMENT
Rozanno, ayaw nang ma-link kay Pokwang (VIR N. MATEO) Naka-recover na ang
mang-aawit na si Rozanno Martin sa trauma ng pagde-deny sa Inisip na lang ni Rozanno na baka may matinding dahilan ang komedyana na nakilala at nakasama niya nu’ng dalawang araw sa Barcelona, Spain during the taping/shooting ng isang teleserye. Anyway, may ebidensya siyang inilabas sa denial ng dalawa. Noon hanggang ngayon, ang kantiyaw kay Rozanno ng kanyang mga kaibigan at kamag-anak, "Bakit naman si Pokwang? Wala na bang ibang babae?" Sagot ni Rozanno, "Sa akin kasi, hindi mahalaga kung maganda o pangit man ang isang babae! Beauty from within kasi ang mas tinitingnan ko! "In fairness to
Pokwang, body beautiful siya." Sa pag-uusap namin sa phone ay sumingit ako ng biro, "Bakit mo nasabing body beautiful? Nakita mo ba?" Ang mabilis na sangga ni Rozanno, "Huwag n’yong lagyan ng malisya! Pagmasdan mo si Pokwang pag lumalabas sa TV, curvaceous talaga!" So, iyun ang naka-attract sa kanya kay Pokwang? Kaswal na sagot ni Rozanno, "Ang kabaitan niya at pagiging masayang kausap… nakakalibang kasi ang mga kuwento niya ukol sa buhay na pinagdaanan niya at sa showbiz na pinanggalingan ko rin. "Pero sa pagdi-deny niya sa akin, a beautiful memory na lamang sa akin si Pokwang! Gusto kong sa gagawin n’yong write up sa akin ay ipakiusap sa mga press from now on na tigilan na, huwag na nila akong i-link kay Pokwang! Please lang!" *** Kung may tinatawag na long distance affair, long distance recording ang nagaganap ngayon kay Rozanno. Nagpadala siya ng voice tape niya para sa composers na sina Vehnee Saturno, Mel del Rosario, Pablo Vergara at Rene ‘Alon’ de la Rosa ng Alpha. Iginawa siya ng mga ito ng mga kanta. Sa Spain, in between his job as Food and Beverage Manager sa isang 5-star hotel, pinag-aaralan ni Rozanno ang mga nilikhang kanta para sa kanya. Iti-tape niya, tapos, ipapadala sa Pilipinas. Pabalik-balik ang ganitong padalahan. "Pag-uwi ko ng third week of September, saka namin kikinisin ang rendition ko ng songs hanggang matapos at mai-CD na." |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|