AUGUST 15, 2012 WEDNESDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
August 14, 2012
As of 2:15pm
U. States 41.9670
Bahrain Dinar 111.623
Can Dollar 42.3004
Euro 51.8934
Aus Dollar 44.1462
HK Dollar 5.41140
Japan Yen 0.534089
Saudi Riyal 11.1926
S’pore Dollar 33.7145
Taiwan Dollar 1.40081
UAE Dirham 11.4258
UK Pound 65.8942
 
Custom Search

Sunshine, ayaw makipaghalikan kay Bong

Juday, pangarap makasama ni Divina

ALFIE LORENZO

 

NABABALITA na hindi raw makakasama si Nora Aunor sa direktor niyang si Dante Mendoza sa Venice para sa 2012 VIFF kung saan kalahok ang indie film ni Ate Guy na Thy Womb.

Nu’ng Biyernes ay magkausap kami ni Ate Guy, one-on-one sa hotel suite na kinuha ko para sa kanya sa pag-aakala kong gusto niyang mag-overnight muna roon gawa ng baha pa sa mara­ming lugar.

Nasa ibaba ang dalawang kasama ni Ate Guy at kami lang ang nagbukasan ng mga lihim, katulad ng taos puso niyang pasasalamat kina Daisy Romualdez, Divina Valencia at Gov. Chavit Singson dahil hindi siya pinabayaan nu’ng panahon ng kakapusan ni Ate Guy.

Kung anuman ‘yun ay sa amin na lang dalawa o lima mananatili muna.

Ito ang malaking kaibhan ni Ate Guy sa ibang artista na hindi maru­nong lumingon sa mga taong nakatulong sa kanila at one time or another.

Sinabi ni Ate Guy kahit na may projects pa siyang gagawin sa TV5 ay pinaglaanan na niya ng panahon ang pagpunta ng Venice kasama si Direk Mendoza.

Ayaw na niyang maulit nu’ng 1983 na hindi siya nagpunta sa Berlin International Film Festival na kalahok ang movie niyang Himala.

Hindi tinulugan ni Ate Guy ang hotel suite reserved for her. Ako lang talaga ang sinadya niya para makausap.

Babalik na lang daw siya kinabukasan (Sabado) para sa dinner namin. Pero hindi siya nakarating sa dinner date namin dahil may emergency.

Pinuntahan siya sa condo niya sa Libis nina Matet at mga anak niya, Kiko at Kenneth dahil pupunta sila sa utol ni Ate Guy na si Eddie Villama­yor sa Crossroad Center na 13th anniversary na pala ng center ‘yun.

Ilang years na kayang confined si Buboy roon? At may kanya-kanyang pagkaing nakatoka para sa kanila at dapat sabay-sabay silang kakain.

10:00 AM pa lang ay dapat nandoon na sila sa center. Ate Guy had to spend her day with her family which she missed for how many years din naman.

We had to excuse Ate Guy for another day na lang daw na magdi-dinner kami.

***

Ang alaga ko at inaanak pa man din sa kasal na si Sunshine Cruz (alam n’yo na kung kanino siya kasal, debah?) ay magteteyping sana for MMK pero na-fracture daw si Sunshine at nilagnat siya nang two weeks!

Nakapag-taping naman si Sunshine for Be Careful With My Heart nang one day.

Ngayon ay may pani­bagong offer kay Sunshine to play the wife of Senator Bong Revilla in GMA 7’s Indio. 5 to 7 ta­ping days lang siya.

Anong sey ng misis ni Buboy?

“No problem basta walang kissing scene and may cut off. I am sure quiet na si Buboy niyan hehe! Ok naman si Senator Bong,” text back sa akin ni Sunshine Cruz.

***

And speaking of Bong Revilla, mali ang ginawa o hindi nag-research ang isang showbiz talk show na nagsabing first time magkakasama sina Bong at Juday sa MMFF entry na Si Agimat, Si Enteng at Si Ako.

Second time na magkakasama sina Bong at Juday. Nagsama na sila noon sa pelikulang Minsan Ko Lang Sasabihin (2000).

Ang first time ay ang pagsasama-sama nilang tatlo nina Vic Sotto, Bong at Juday.

***

Ang dream project pala ng nagka-comeback na si Divina Valencia ay ang makasama sa movie si Juday.

Kahit daw nanay lang ni Juday ay susunggaban ni Divina na nasa isang teleserye ngayon sa Dos.

Kapag kausap ko si Divina (remember her pukpukan ng mikropono kay Rey de la Cruz sa talkshow ko nu’ng 1987 na Rumors, Facts & Humor?) ay kinakantahan ko siya ng, “Divina Valencia, Stella Suarez… nagbuburles!” na pamoso at usung-uso nu’ng kapanahunan nina Divina at Stella.

Na binago na ni Divina ng ganito, “Divina Valencia, Stella Suarez… mataba na!”

Biyuda na pala si Stella Suarez ngayon dahil a few months ago ay namatay na ang husband niyang si Al Guinto.

Anong sey kaya ni Richard Gomez dito?

***

Heto uli tayo sa funny side of showbiz. Sey ni Jerry O, huwag seryosohin ito dahil jokes lang?

‘Yung isang nameless news reporter sa isang news program syempre ay bulol pa ring magsalita.

Pati kalendaryo, hindi niya memorized ang pagkakasunud-sunod ng mga araw.

Napalingon ako sa TV nu’ng marinig ko ang pagbabalita ng lokah:

“Every Monday, Friday at Wednesday ito kaya abangan!”

Bigla kong pinatay ang TV monitor ko!

***

Tingnan mo nga ‘yan, ha?! Dati silang ratsada na wala namang narating kaya heto na ang manok naming si Alden Richards at support na lang niya sina Aljur Abrenica, Rocco Nacino at Enzo Pineda!

Speaking of Aljur, nu’ng una naming makita ang brother niyang si Alvin sa GMA 7 nang manalo si Aljur na Ultimate Hunk ay tinanong namin si utol kung bakit siya eh hindi nag-artista.

Ayaw raw niya. Well, sige…

It has been several years ago na ‘yun nang muli kong nakita ang utol ni Aljur sa Picture City na nagpapa-picture syempre na inilagay ko ang photo niya sa Abante na gagamitin daw niya sa pagkuha niya ng passport para makasama kay Aljur ‘pag nagta-travel abroad ito.

Muli ko siyang tinanong kung mag-aartista na ba siya? Ayaw pa rin daw niya. Oh ‘di sige, eh ‘di huwag!

Aba, kamukat-mukat mo eh isa pala sa 16 contestants ng Artista Academy itong utol ni Aljur!

Pinaikli ang pangalan niya at ginawang Vin Abrenica.

Siya mismo ang uma­yaw sa showbiz, tapos, magju-join? Ano ‘yan, lokohan?

Eh ako mismo ang kausap niya at tinanggihan! Para siyang tumanggi sa bigas!

***

John Estrada, John Regala, John Prats, John Lloyd Cruz, John James Uy, John Arcilla, John Manalo, John Wayne Sace, Jon Avila, Jon Hall and John Lapus -- sino kaya kina Pia Guanio, Pia Gutierrez, Pia Magalona, Pia Moran, Pia Pilapil at Pia Cayetano ang pipiliin nilang leading ladies?

Bwahahahaha!!!!

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION