August 14, 2009 -Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 

Aiza, naintindihan ang punto ni Willie

(ALLAN DIONES)

PERSONAL na desisyon ni Aiza Seguerra ang hindi mag-guest sa anumang programa na katapat ng Eat Bulaga. Maraming beses na siyang iniimbitahang mag-guest sa noontime show ni Willie Revillame, pero palagi niya itong tinatanggihan.

“It’s my personal choice dahil doon ako nagsimula sa Eat Bulaga. Eversince, sila ‘yung nandiyan para sa akin. It’s loyalty. Ayokong tumapat sa EB.
“Kumbaga, ‘yung loyalty ko will always be there, kahit na anong network pa ang kumuha sa akin.

“Okey lang as long as hindi katapat ng Eat Bulaga. Walang problema na mag-guest ako sa kahit saang show ng ABS-CBN, huwag lang katapat ng EB,” pahayag ni Aiza nang makausap namin siya kamakailan sa press launch ng latest album niyang Aiza: Live! under Star Records.

Nahingan din ng komento si Aiza hinggil sa ginawa ni Willie kamakailan sa Wowowee na ikinagalit ng maraming nagmamahal sa nasirang Pangulong Cory Aquino.

“I kinda get his point, but the execution was very, very wrong.
“Nagi-gets ko ‘yung point niya na medyo ala­ngan, medyo off na nagsasayawan, naggigiling-giling ‘yung mga tao sa show niya, tapos merong gano’n (live feed mula sa Cory coverage). Sana lang, nasabi niya nang mas maganda.
“I mean, may appropriate time, eh. Like puwede namang sa commercial gap, eh. Bakit kailangang gano’n?

“Very disturbing lang para sa akin. Medyo sensitive issue kasi, eh. Tita Cory, tapos gano’n.

“So, I kinda get his point, pero medyo hindi lang tama ‘yung pagkakasabi niya,” sey ni Aiza.

Speaking of Tita Cory, feeling honored si Aiza na naimbitahan siyang umawit nu’ng unang gabi ng lamay ni Tita Cory kamakailan sa Manila Cathedral.
Kinanta niya roon ang Ugoy ng Duyan at isa pang awitin na nilikha niya especially for Kris Aquino.

Wala raw title ‘yon at ang tawag lang niya rito ay Lullabye.
Nag-guest kasi si Aiza sa birthday celebration ni Kris sa Boy & Kris nu’ng Pebrero at sinabihan silang magdala ng regalo para kay Kris.

Wala siyang maisip na maibigay kay Kris kaya ginawan na lang niya ito ng kanta.
Tungkol daw sa pagiging ina ni Kris kina Joshua at Baby James ang Lullabye. Nang ibigay niya raw ang CD ng nasabing kanta kay Kris ay tuwang-tuwa ito at napatili nang, “Sosyal!!!”

Samantala, may 15 tracks ang Aiza: Live! kasama ang paborito naming Man in the Mirror ni Michael Jackson, na ni-record ni Aiza at ng kanyang banda nu’ng mismong araw na pumanaw ang King of Pop.


 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES