Aug. 13, 2008 - Wednesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
CRIME NEWS
 
Pagawaan ng boga natumbok
Bell Desolo
 

TANAUAN CITY --- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A. 8294 o Illegal Manufacture of Firearms ang 57-anyos na suspek matapos arestuhin ng mga operatiba rito makaraang maaktuhang gumagawa ng ilegal na baril noong Sabado.
Kinilala ni Supt. Willy Atun, hepe ng pulisya ang suspek na si Ernesto Buensalida y Quine, 57, taga-Ragay, Camarines Sur at kasalukuyang nakatira sa Barangay Natatas dito.
Sa report na nakalap kay Sr. Supt. David Micu Quimio, provincial director, nabatid na may impormasyong tinanggap si Chairman Eufronio Vivas kaugnay sa ilegal na nangyayari sa bahay ng suspek kaya agad na iniulat kay Atun at mabilis na kumilos kung saan nadatnan ang suspek na tini-testing ang kagagawang baril.
Bitbit ang isang shotgun at tambak ng bala para sa iba’t ibang kalibre ng baril ay dinala sa himpilan si Buensalida kung saan nang imbestigahan ay umamin na dati itong gumagawa ng mga furniture subalit dakong huli ay ang paggawa ng baril ang pinagtuunan ng pansin nang makita na mas malaki ang kita rito.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES