Kalaboso ang isang pastor matapos na umano’y magbiro na may dalang bomba sa isang shopping mall sa Davao City.
Kinilala ang inarestong si Paquito Anadia, 32-anyos, tubong Surigao City at sinasabing pansamantalang nanunuluyan sa kanyang tiyahin sa Bgy. Agdao, Davao City.
Sa ulat, pumasok umano sa ‘di na tinukoy na shopping mall kamakalawa ang suspek na nagpakilalang pastor ng Charismatic Full Gospel Ministry kung saan nagbitaw ito ng mga salitang may lamang bomba ang kanyang dalang bag.
Naalarma naman umano ang mga nakabantay na sekyu ng mall at sa pakikipagtulungan ng mga awtoridad ay dinakip ang suspek.
|