Aug. 13, 2008 - Wednesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
CRIME NEWS
 
MLQU student sa puso tinarget
Juliet de Loza
 

“Nagsisisi ako. Hindi ko sinasadyang patayin, nakipag-away lang ako, baka maunahan lang ako”.
Ito ang pahayag ni Jon Estipular, 31, walang trabaho ng 2432 M. Hizon St., Sta. Cruz, Maynila at drug dependent, matapos tarakan sa bandang puso ng dalawang ulit ang biktimang si Ryan Obrea, 14-anyos, 2nd year high school student ng Manuel L. Quezon University (MLQU) na noon ay nakasuot pa ng school uniform.
Sa panayam kay PO2 Joey Buscas ng MPD-Police Station-3 naganap umano ang insidente, ala-1:30 ng hapon sa Blumentritt cor M. Hizon St., Sta. Cruz, Maynila.
Isang cigarette vendor na kinilalang si Jun Ramos ang nakasaksi sa krimen ang nagsabing “sinalubong ng suspek ang bata at tinakpan ng tuwalya. Tapos tumumba ang bata iyon pala ay sinaksak na sa dibdib.”
Gayunman, naniniwala si Homicide Chief Insp. Dominador Arevalo na pinagtripan ng suspek ang biktima na noon ay napadaan sa kanyang harapan dahil sa kuwento ng mga kaanak nito na lulong ito sa ipinagbabawal na droga.
Sasampahan ng kasong murder in relation to RA7610 ang suspek sa Manila Prosecutors Office (MPO).

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES