Aug. 13, 2008 - Wednesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
CRIME NEWS
 
Sintadong kumanta, hinalihaw ng saksak
Alvin Madan
 

Duguang humandusay ang isang lalaki matapos na pagsasaksakin ng dalawang suspek na nairita sa una dahil sa masakit sa tengang pagkanta ng una sa Navotas kamakalawa ng gabi.
Patay na nang dalhin sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan ang biktimang si Ryan Tamuling, 26, ng Pitong Gatang, Sipac ng nasabing lungsod.
Habang kasalukuyan namang tinutugis ng mga awtoridad ang mga suspek na nakilala lamang sa mga alyas na Jordan at Pidong ng nasabi ring lugar.
Sa ulat ng Navotas City Police, alas-8:45 ng gabi, kumakanta sa isang video­ke bar sa Duhat Plaza sa nasabing lugar ang biktima nang lapitan ng mga suspek at sawayin dahil masakit sa tenga umano ang pagkanta nito.
Ayon naman sa mga saksi sa halip na huminto sa pagkanta ng biktima ay pumalag pa ito at naki­pagtalo sa mga suspek.
Makalipas ng ilang minutong pagtatalo ay bigla na lamang bumunot ng patalim ang mga suspek at pinagtulungang saksakin ang biktima at nang makitang humandusay ay mabilis na tumakas.
Matapos ang insidente ay mabilis namang isinugod ng mga tao sa lugar ang biktima sa nasabing ospital upang maisalba ngunit sadyang hindi na ito humihinga.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES