Mistulang inatadong parang karne ang isang ama ng tahanan matapos na pagtatagain ng kanyang bayaw dahil sa pagtangging magbigay ng sustento sa sarili nitong pamilya sa lungsod ng Quezon kahapon.
Ang biktima na tadtad ng taga sa iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Francisco Projas, 32-anyos, may-asawa, operation manager ng EPJ Bus Line at taga #0016 Leyte St., Area-5, Sitio Veterans Barangay Bagong, Silangan Q.C.
Hinahanting naman ng pulisya ang suspek na si Edilberto Caerlang, 21-anyos ng Seminario Road, Pook Silangan, Cogeo, Antipolo, Rizal.
 |
Arestado --- Bitbit ng mga barangay tanod ng Barangay Tambo, Parañaque City ang dalawang holdaper na nakilalang sina Sherwin Bonienta at Reymar Lalican na naaresto sa MIA Road Bgy. Tambo, Parañaque City makaraang holdapin ang isang pampasaherong jeep kahapon. (Rusty Roman)
|
Base sa inisyal na pagsisiyasat ni PO2 Edwin Dela Cruz ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit(QCPD-CIDU) natagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang kapitbahay na si Benedicta Combi dakong alas-singko ng umaga sa tirahan nito.
Nadiskubre pa malapit sa kinatagpuan sa bangkay ng biktima ang mga personal na kagamitan ng suspek na kinabibilangan ng kanyang duguang maong pants, wallet na naglalaman ng LTO student permit, birth certificate at pulang bag na may lamang berdeng t-shirt.
Natunton rin sa madamong lugar at likurang bahagi ng bahay ng biktima ang isang jungle bolo na pinaniniwalaang ginamit sa krimen ng suspek.
Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alamang kaya nagawa ng suspek ang krimen ay dahil nalaman nito sa kanyang pinsan na si Irene Projas y Caerlang, asawa ng biktima na pinagbabantaan itong papatayin sa tuwing hihingi ng sustento.
Ang biktima at asawa nito ay napag-alamang madalas mag-away dahil sa hindi pagbibigay ng sustento at pag-ubos lang ng pera nito sa iba’t ibang bisyo, kaya naawa ang pinsan nito (asawang babae) at siya ang kumompronta sa biktima na humantong sa pagpatay.
|