Sa unang pagkakataon, tila nag-iba ang ihip ng hangin at hindi kapani-paniwala ang mga binitiwang salita ni undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. patungkol sa karibal na si Manny Pacquiao.
“I think Pacquiao’s an unbelievable fighter, and hopefully we can make the fight happen in the future,” pahayagni Floyd Jr. sa Sports Illustrated sa kanyang unang public interview sapul nang lumabas sa kulungan noong nakaraang linggo matapos ang dalawang buwang pagkabilanggo sanhi ng domestic misdemeanor.
|