AUGUST 12, 2012 SUNDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
August 11, 2012
As of 2:17pm
U. States 41.7800
Bahrain Dinar 110.818
Can Dollar 42.0995
Euro 51.3489
Aus Dollar 44.1865
HK Dollar 5.38589
Japan Yen 0.532297
Saudi Riyal 11.1404
S’pore Dollar 33.5839
Taiwan Dollar 1.39360
UAE Dirham 11.3749
UK Pound 65.5454
 
Custom Search
Nakukuha pa ring ngumiti
Bernard Taguinod

 

History... noong Setyembre 1972, nagkaroon ng great flood dahil sa dalawang linggo hanggang isang buwan na walang tigil na pag-uulan kaya tinawag iyon na “Great Flood of 1972”.


Lalong lumala ang sitwasyon noong panahong iyon dahil nagkita ang Agno at Pampanga River kaya buong Metro Manila ang binaha kung saan ang mga tao ay hindi kumain ng ilang araw.


Pagkalipas ng 50 taon, naranasan naman natin ang Habagat kung saan dalawang linggo ding inulan ang Metro Manila at karatig lalawigan. Maraming nagutom at nasira ang kabuhayan.


Noong Setyembre 27, 2009, nanalasa ang bagyong Ondoy at inilubog ang Metro Manila sa loob lamang ng 24 oras na ikinamatay ng may 140-katao at isang bilyong halaga ng imprastraktura at ari-arian ang sinira.


Noong Nobyembre 1991, 8,000-katao ang namatay sa Ormoc City, Leyte nang magkaroon ng flashflood dahil sa pag-ulan at noong Setyembre 1998, nalubog din ang malaking bahagi ng Metro Manila dahil sa walang tigil na pag-ulan.


Nobyembre 2006 naman ng manalasa ang bagyong Reming at 700-katao ang namatay bukod sa mga nawawala sa Bicol Region habang ang bagyong Frank naman ay nanalasa sa Western Visayas noong Hunyo 2008.


Kaya ko isinulat ito ay para ipaalala sa lahat, na ang kalamidad ay laging nauulit na nararanasan natin pero mukhang walang natututo sa ating lahat.


Tandaan n’yo ha, pagkatapos nitong si Habagat, maraming ideya at plano ang imumungkahi ng iba’t ibang tao, ng iba’t ibang sektor, pero magbilang tayo kung ano at ilan ang matutupad.


Reactionary lang daw kasi ang gobyerno at tayo namang mga ordinaryong mamamayan, saka lang natin naaalala ang ating pagkukulang kapag nabiktima na tayo ng kalamidad.


***


Mukhang tama ang sabi ni Congressman Rodel Batocabe na kung mayroong kumikita tuwing mayroong kalamidad ay ang malalaking negosyante dahil pinapakyaw ang kanilang mga paninda para sa relief operations.


Oo nga naman, mabenta ang mga noodles, mabenta ang mga sardinas, ang mga kumot, ang mga banig at kung anu-ano pa kapag panahon ng kalamidad dahil ito ang karaniwang ibinibigay sa mga biktima sa mga evacuation centers.


Hindi kaya puwedeng mangyari naman na kapag may kalamidad ay magbaba ng 50% naman ang presyo ng mga manufacturers ng mga produktong ibinibi­gay sa mga biktima ng kalamidad at alisin ang tax na ipinapataw?


Pero ang pinakamaganda sigurong gawin, tulad ng mungkahi ni Batocabe, turuan ang mga tao na gumawa ng noodles, banig, sabon at kung anu-ano pa para kapag nagkaroon ulit ng kalamidad, sa kanila na bibili ang gobyerno tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) imbes na sa mga negosyante.


Marami pang matutulu­ngan kung ganyan nga ang gagawin, may hanapbuhay na ang mga tao, mayroon pang siguradong supply. Bakit hindi nga gawin ng DSWD imbes na mamigay ng bilyun-bil­yon sa mga pamilyang mahihirap?


***


Pero ang isa sa mga napansin ko sa gitna ng kala­midad na naranasan natin, nasa mukha pa rin ng mga biktima ang ngiti. May mga natatawa sa kanilang karanasan na hindi mo iyan makikita sa ibang bansa.


Tinatawanan ang problemang kinakaharap kaya madali para sa kanila ang pagbangon pero nakakalungkot lang dahil marami ang wala pa ring modo dahil ang mga lugar na pinagdadalhan sa kanila tulad ng eskwela­han ay nawawala ang mga libro at mga kagamitan ng mga teachers.


Nasisira din ang pasilidad kaya nakakalungkot dahil imbes na pangalagaan ay sinisira pa nila. Hindi naman lahat ay gumagawa pero mayroon ta­laga tayong mga kababayan na pasaway at galit pa kapag hindi tipo ang pagkaing ibi­nibigay sa kanila. Huwag namang ganyan.

(dpa_btagui­nod@yahoo.com)

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION