NAGPA-INTERVIEW via phone patch ang dating asawa ni Robin Padilla na si Liezel Sicangco sa TV 5 dahil nais niyang kunin ang kanilang mga anak lalo na ang bunso nilang si Ali.
Pero mukhang gusto na rito nina Kylie at Queenie dahil may sarili na silang career kaya hindi raw pipilitin ni Liezel ang mga ito kung ayaw niyang sumama.
Ang mas concern ni Liezel ay si Ali dahil ang latest na nakarating sa kanya ay nagkasakit ito.
Parang lumalabas na hindi ito naaasikaso nang mabuti ni Robin dahil mas focused ito kay Mariel Rodriguez. 
Hindi pa namin nakausap si Robin pero ilan sa mga taong malapit sa kanya ay sinabing hindi nagpabaya ang aktor sa kanyang mga anak.
“‘Di ba, si Liezel pa nga ang unang nag-asawa?” tanong ng taong malapit kay Robin.
Hindi namin naitanong kay Robin ang tungkol sa pagkakasakit ni Ali, pero ayon sa ilang nakausap namin, wala pa noon sina Robin at Mariel nang magkasakit ang bata, at naasikaso itong mabuti ni Robin.
Sinubukan naming hingan ng reaksyon ang manager ni Robin pero hindi pa niya kami sinasagot hanggang kahapon.
Ang pagkakaalam namin, magsisimula na ang Ramadan kaya hindi namin puwedeng abalahin si Robin para kulitin sa isyung ito.
Hindi pa rin namin nakausap si Liezel pero may nagparating sa amin na gagawin ni Liezel ang lahat para mabalik sa kanya ang bunsong si Ali dahil tuwing nakakausap niya ito ay gusto na raw nitong bumalik sa kanya sa Australia.
Kapag makausap namin si Robin, isa pa sana sa gusto naming linawin sa kanya ay kung totoong hindi na siya babalik ng Pilipinas Win na Win.
Ang nakarating na kuwento ay nairita na raw ito kay Kris Aquino dahil na-monopolize na raw nito ang buong show pati silang lahat na co-hosts.
Hindi lang si Robin kundi pati ang ibang co-hosts lalo na si Mariel na minsan ay binabara raw nito.
Mabuti si Pokwang at kaya niyang dalhin at napapaglaruan niya si Kris.
Malapit na rin daw simulan ni Robin ang pelikulang pagsasamahan nila ni Mariel kaya baka ito na ang gagawin niyang rason para hindi na muna mag-host sa kanilang noontime show.
Kahapon ay nag-celebrate si Mariel ng kanyang kaarawan at sinamahan daw ito ni Robin na nagdiwang sa mga babaeng nakakulong sa Correctional.
|