|
RP baseball kailangan ng exposure 1st semis slot,asam ng Knights Bonds, nagmintis para sa sariling record Imahe ng China at Olympic movement,masisira dahil sa human rights abuse Top horses, tatakbo sa PSA Cup sa Linggo
|
SPORTS
UPDATE
Sa bisa ng 6-4 vote ng PBA Board KNOCKOUT SI EALA! Ni Ramil Cruz Tuloy ang inog ng mundo sa PBA para sa 2007-08 season na magbubukas sa papasok na buwan kahit biglaang nalagasan ng commissioner kahapon sa katauhan ni Noli Eala. "We’re moving forward. The PBA will open it’s 33rd season and because of this vacuum a contingency plan is at work and the search for an officer-in-charge commissioner is in progress," ani PBA Board of Governors chairman Ricky Vargas ng Talk ‘N Text sa press statement na pinalitaw kagabi. Ang pahayag ng tagapangulo ng professional league ay kanyang pinalabas matapos na bumoto na muna sa umaga sa pagsipa kay Eala sa board meeting na nauwi sa 6-3 results mula sa 10 board members, matapos alisan ng lisensya ng Supreme Court bilang attorney si Eala dahil sa kasong pakikiapid. Matapos mabatid ni Eala ang botohan, nagpatawag ito ng press conference kinahapunan na nauwi lang sa pagbasa ng kanyang resignation letter sa media at agad ding namaalam upang ‘di na mausisa sa okasyon. "I have received a press statement of Noli Eala and have yet to receive a formal resignation from him," sabi ni Vargas. "The PBA Board will take appropriate action upon receipt of his formal resignation." Pinuri pa rin ni Vargas ang kontrobersyal na si Eala, ang pang-anim na kumisyunado ng liga na napili laban kina ex-coach Chito Narvasa at ex-Shell manager Rey Gamboa noong 2002 bago nagsimulang manungkulan noong 2003, dahil sa pagmamalasakit sa PBA unang-una kaysa sa sarili at sa lahat ng sakripisyo nito. Pinakiusapan din ng outgoing league chair na nakatakdang halinhinan ni Tony Chua ng Red Bull, ang lahat na bigyang kaluwagan si Eala sa mga gagawin nito lalo na sa pribado’t personal na pamumuhay kasabay sa idinagdag na baka balang araw ay maging kandidato uli ito sa posisyon. "I ask everybody to give him space to do whatever he needs to do and to so matters out his private and personal life and in due time he is welcome to one again be a candidate for this position," banggit pa ni Vargas. Kasama nina Vargas at Chua na naglaglag kay Eala matapos bumulaga ang desisyon ng Korte Suprema sina Jose Bayani Baylon ng Coke, Atty. Ariel Magno ng Sta. Lucia, Wilfred Uytengsu ng Alaska at Lito Alvarez ng Air21. Sina Robert Non ng Ginebra, Ely Capacio ng San Miguel Beer at Rene Pardo ng Purefoods na may sumatutal lamang na dalawang boto dahil sa pag-aaring lahat ng San Miguel Corp. ang tatlo ang mga nais magpatuloy si Eala gayundin si Mamerto Mondragon ng Welcoat.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
||||||
|
|