Allan Diones

Abu Tilamzik  

Joe Barrameda

Jun Lalin


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Ina ni Angel, galit sa mga intriga


Taong 1984 nang sumikat ang awiting Tell Me ni Joey Albert na naging biggest hit of her entire career. Ngayong 2007 (o 23 years later) ay muli itong ni-record ni Joey bilang theme song ng pelikulang A Love Story ng Star Cinema.

"I’m very thankful that Star Cinema chose the song. It makes me feel proud as an artist," masayang bulalas ni Joey nang makausap namin siya last weekend sa Pasto resto sa Greenhills.

"It’s funny na 23 years later, I recorded the song again for a movie. They asked me to keep it as close to the original. I said, how can that be when I was only 23 years old at that time? Ha! Ha! Ha!

"So, this is a more mature, well lived, well-experienced Tell Me," nakangiting sabi ni Joey (Josefina Albert-Pacis sa totoong buhay), na hindi pa rin nagbabago ang itsura at hindi mukhang 47-anyos.

Hulyo 19 dumating si Joey mula sa Canada para magbakasyon dito sa ‘Pinas. Pagdating pa lang niya sa airport ay nakatanggap na siya ng text message mula sa Star Cinema na sinasabing gusto nilang i-record niya ang Tell Me para sa bagong pelikula nina Aga Muhlach, Maricel Soriano at Angelica Panganiban.

Taliwas sa akala ng marami, hindi raw sinulat ng ex-boyfriend niyang si Louie Ocampo ang Tell Me para sa kanya kundi para sa isa nitong nobya bago siya.

"He was heartbroken at that time when he first made me listen to the song at may iba rin akong boyfriend. Eventually, I got heartbroken also and because we were so close then and we were always doing shows together, naging kami.

"Nobody thought Tell Me would be a big hit. It was not even the carrier single of my first album, second choice lang siya.

"But it’s a song that has transcended decades and generations because Tell Me is a love story experienced by everyone at least once in their lives."

Isang certified hitmaker si Joey nu’ng dekada otsenta. Ang hit songs niyang Iisa Pa Lamang, Ikaw Lang Ang Mamahalin at Sa ‘Yo Lamang ay hindi lang naging theme song kundi ginamit pang titulo ng mga pelikula.

Ilan sa mga nag-revive ng Tell Me ay si Lea Salonga, ang bandang Side A at sina Regine Velasquez at Ariel Rivera na ginawan ito ng duet version.

Nabanggit sa amin ni Joey na nakapanood siya minsan ng ASAP ‘07 at napansin niyang halos magkakatunog at walang pagkakaiba ang boses nina Sarah Geronimo, Rachelle Anne Go, Nina, atbp.

Hindi raw katulad nu’ng panahon niya na may kanya-kanya silang tunog at istilo ng pag-awit ng mga kapanabayan niyang sina Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, Verni Varga, atbp.

***

Buntot pa rin ito ng Angel Locsin-Becky Aguila brouhaha. Narito ang reaksyon ng ama ni Angel na si G. Angel (‘Anghel’) Colmenares hinggil sa isyung ‘maid’ o katulong umano ang ina ni Angel.

"Walang relevance ito sa career ni Angel. But nonetheless, to satisfy you, I will say no, she is not a maid," kaswal na pahayag ni Mang Angel.

Nang itanong ng press kung nasaan ang ina ni Angel, ang sagot ni G. Colmenares ay nasa bahay raw ito.

Hindi niya binanggit kung kaninong bahay -- bahay ba ni Angel o sa sarili nitong bahay.

Inusisa rin ng press kung anong reaksyon ng ina ni Angel sa mga naglalabasang isyu at intriga.

"Ah, galit syempre, pero okey lang," matipid na sagot ni Mang Angel.

Wala bang balak lumabas ang ina ni Angel upang ipagtanggol ang kanilang anak sa mga isyung ito?

"Ah, I don’t think she wants to," maiksing tugon ng bulag na ama ni Angel Locsin.

***

Magbi-birthday si Mother Lily Monteverde sa Agosto 19, pero ayaw niya raw ng bonggang birthday celebration.

Ang birthday wish niya ay kumita ang lahat ng mga pelikula ng Regal, tulad ng My Kuya’s Wedding na tipong post-birthday offering ni Mother sa Agosto 29.

Last year ay Eternity ang ‘theme’ ng kanyang birthday (na isinabay sa anniversary event ng Imperial Palace Suites) dahil ‘yun ang pelikula niyang magsu-showing that time.

May nag-suggest kay Mother na gawin niyang ‘wedding’ ang tema ng selebrasyon niya this year pero natawa lang siya dahil wala raw talaga siyang balak magkaroon ng big party.

Puring-puri ni Mother ang stars ng My Kuya’s Wedding na sina Ryan Agoncillo, Pauleen Luna, Jason Abalos at Maja Salvador.

Isang pampamilyang romantic comedy ang MKW na makaka-relate nang husto ang mga Pinoy na masyadong makapamilya.

Kung si Ryan ay sobrang proud na maging isang Regal baby, sobrang touched naman si Maja na pinagkatiwalaan siya ng Regal ng isang launching movie.

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top