AUGUST 07, 2015
FRIDAY
homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
August 06, 2015
As of 02:12 pm
U. States 45.7370
Bahrain Dinar 121.302
Can Dollar 34.7716
Euro 49.9877
Aus Dollar 33.5574
HK Dollar 5.89979
Japan Yen 0.366626
Saudi Riyal 12.1948
S’pore Dollar 33.0636
Taiwan Dollar 1.44501
UAE Dirham 12.4504
UK Pound 71.4502
 
Custom Search
Run for Health photo/news writing contest
 

Inaanyayahan ng Department of Science and Technology at Philippine Council for Health Research ang lahat ng sportswriters at photo-journalists ng mga major daily publications na lumahok sa Run 4Health Research Photo and News Writing Contest kasabay ng patakbo sa Aug. 9, alas-singko ng madaling-araw sa Jalandoni St., CCP Complex.


Ayon kay Kenneth Montegrande, event race director ng Run 4Health Research at managing director ng Streetwise Events Management, ang mapipiling published photo at article ay mag-uuwi ng tig-P10,000 (first prize), at tig-P5,000 (second at third).


Bukod sa pagiging creative ng photographer, dapat mai-publish ang lara­wan sa Aug. 10, Lunes.

Malaking bagay din ang title at caption. Maaari lang gumamit ng basic editing (photo cropping at exposure). Bukod sa published photo, dapat isumite ang soft copy at 8-R size printed copy ng photo entry sa Room 403 Streetwise Events Management and Public Relations, Puso ng Maynila Building, UN Ave. cor. Mabini St., Ermita.


Kailangan ding lumabas ng Aug. 10 ang article sa news writing contest. Malaking factor dito ang titulo at diskarte sa pagkakasulat. Isumite ang original published article sa nabanggit na address.


Ang lahat ng entries ay maaaring isumite hanggang Aug. 14.

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION