AUGUST 07, 2011 SUNDAY
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
For your e-paper registration & subscription just click on the image below

Exchange Rate
AUGUST 06, 2011
As of 1:55 pm
U. States 42.5500
Bahrain Dinar 112.925
Euro 60.7699
HK Dollar 5.45059
Japan Yen 0.542937
Saudi Riyal 11.3467
S’pore Dollar 34.9544
Taiwan Dollar 1.46669
UAE Dirham 11.5852
UK Pound 69.7484
3 BESES NI-RAPE SA 20 MINUTO
(Alvin Madan)

“Lasing na lasing po ako kaya hindi ko na nagawang makapanlaban!”

Ito ang pahayag ng 19-anyos na dalaga matapos pagsamantalahan at halayin ng kainumang binatilyo nang malasing sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Humahagulgol pa nang magsadya sa himpilan ng pulisya kasama ng mga kaanak ang biktimang itinago sa pangalang “Lisa”, 19, college student at taga-Dagat-Dagatan Ave., ng nasabing lungsod.

Samantala, nasakote naman at nakapiit sa Caloocan City Police detention cell at nahaharap sa kasong rape ang 17-anyos na binatilyo na itinago sa pa­ngalang “Mark”, kalugar ng biktima.

Sa ulat ng Women and Children’s Concerned Desk ng Caloocan-PNP, alas-otso ng gabi nang maganap ang panghahalay ng suspek sa biktima sa kwarto ng kaibigan ng dalawa, ‘di kalayuan sa bahay ng mga ito sa Dagat-Dagatan Ave.

Ayon kay Lisa, nagsadya umano ito sa kaibigan na si Divina na kapitbahay ng suspek upang makipagkwentuhan na nauwi sa inuman kasama ang ilang kakilala.

Nang malasing umano ang dalaga ay naiwan at nagpahinga ito sa kuwarto ni Divina kung saan pinasok ng suspek at pinaghahalikan bago unti-unting hinubaran ng saplot ang dalaga na hindi nakapanlaban at walang nagawa dulot ng labis na kalasingan kaya naisakatuparan ng suspek ang makamundong pagnanasa na sa tantiya ng biktima ay tatlong ulit umano siyang niluray sa loob lamang ng halos 20 minuto.

Matapos umanong ilang ulit na makapagparaos ay tinigilan na ito ni Mark na nagmamada­ling umalis habang umuwi naman ng bahay ang kolehiyala nang mahimasmasan at ipinaalam sa mga magulang ang nangyari na hindi naman nagdalawang-isip na samahan sa presinto upang ireklamo ang binatilyo na nagresulta sa pagkakaaresto nito.

Sa pulisya, matindi ang pagtanggi ng suspek at iginiit na kasintahan nito ang dalaga at kapwa nila kagustuhan ang nangyari subalit nang hingan ng patunay ng kanilang pag-iibigan ay wala itong maipakita dahilan upang tuluyang sampahan ng kaso at ila­gak sa selda.

 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION