AUGUST 06, 2013 TUESDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
August 05, 2013
As of 3:36 pm
U. States 43.5694
Bahrain Dinar 115.551
Can Dollar 41.9253
Euro 57.8356
Aus Dollar 38.7608
HK Dollar 5.61742
Japan Yen 0.442719
Saudi Riyal 11.6169
S’pore Dollar 34.3908
Taiwan Dollar 1.45600
UAE Dirham 11.8621
UK Pound 66.6506
 
Custom Search
17 taong pagkakulong sa halagang P360,000
RAYMOND BURGOS

Pagkakakulong ng hanggang 17 taon ang naghihintay kina dating University of the Philippines-Diliman Chancellor Roger Posadas at Vice Chancellor Rolando Dayco dahil sa kasong graft at misconduct na may kinalaman sa pagtatatag ng Technology Management Center (TMC) noong 1995.

Una nang nahatulan ng Sandiganbayan sina Posadas at Dayco dahil sa paglabag sa government regulations laban sa multiple positions, double compensation at retroactivity ng appointment.

Pinagtibay ng Sandiganbayan na iligal ang gina­wang appointment ni Dayco kay Posadas bilang project director at consultant ng Technology Management Center na magbibigay ng masters degree sa technology management sa pamamagitan ng interdisciplinary program na magsasanib sa mga kursong business management, engineering, social at physical sciences.

Ginawa ni Dayco ang naturang appointment kay Posadas habang siya ang officer-in-charge ng UP Diliman at naka-leave noon si Posadas dahil sa isang official trip sa China. 

Ang problema nga lang ay hindi dumaan sa UP board of regents ang ginawang appointment ni Dayco kay Posadas kung kaya naghain ng kaso ang BOR sa Ombudsman na nakakita ng probable case para sampahan sina Posadas at Dayco ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019) at Code of Conduct and Ethical Standard for Public Officials and Employees (RA 6713).

Noong Hunyo 2005, hinatulan ng Sandiganbayan sina Posadas at Dayco ng pagkakulong ng siyam hanggang 12 taon dahil sa paglabag sa RA 3019 at limang taong pagkakakulong dahil sa paglabag sa RA 6713.

Ipinag-utos din ng Sandiganbayan sa dalawang sentensyado ang pagbabalik ng halagang P360,000 na siyang ibinayad kay Posadas bilang project director at consultant ng TMC. Bawal na rin kina Posadas at Dayco na ma-appoint muli sa anumang puwesto sa gobyerno.

Matapos mahatulan ng Sandiganbayan, naghain ng apela ang mga abogado nina Posadas at Dayco sa Korte Suprema kung saan inakusahan nila ang Sandiganbayan ng grave abuse of discretion sa inilabas na desisyon dahil hindi naman ipinagbabawal ng UP Charter ang OIC chancellor na mag-appoint ng mga opisyal.

Binigyang-diin din nina Posadas at Dayco na walang perang nawala sa gobyerno dahil ang pondo na ginamit sa pagtatayo ng TMC ay galing sa foreign sources.

Pero hindi pinansin ng Korte Suprema ang naging paliwanag at depensa nina Posadas at Dayco at sa halip ay pinagtibay ang desisyon ng Sandiganbayan na may sala ang mga akusado sa isang 27-pahinang desisyon na may petsang Hulyo 17, 2013.

Nakakalungkot isipin na sa halagang P360,000 na hindi naman ninakaw nina Posadas at Dayco ay makukulong sila ng 17 taon dahil sa paglabag sa RA 3019 at RA 6713.

Ikumpara natin ito sa kaso ng mga retired generals ng Armed Forces na kumukuha ng milyun-milyong piso ng ha­laga ng “pabaon” at kumulimbat sa pondo ng AFP ay hindi man lamang nasampahan ng kaso sa Sandiganbayan dahil sa antas pa lang ng Ombudsman ay naibasura na ang kaso.

Ito ay sa kabila ng imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee na nakakalap ng mga ebidensya na galing sa whistleblower na si Col. George Rabusa laban sa mga retiradong heneral pero hindi pinansin ng Ombudsman.

Dito makikita ang double standard of justice kung saan ang mga may pera at koneksyon sa hudikatura ay naaabswelto samantalang ang mga katulad nina Posadas at Dayco na nabubuhay lamang sa kanilang karampot na sweldo sa UP Diliman ay nasesentensyahan ng 17 taong pagkakulong dahil lang sa halagang P360,000.

HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION