OFWS PINUPUWERSA NG KANO SA IRAQ 

Gloria dapat sisihin sa power crisis

Dagdag na singil sa tubig 
nagbabanta sa gitna ng krisis 

Erap inupakan ng M’cañang
sa pagtulong sa Marines

Gloria umareglo
sa Marcoses? 

Pagbabati nina Ping
at Alan malabo pa


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

Pagbabati nina Ping at Alan malabo pa

 (Rey Marfil)


Bagama’t bukas ang pintuan sa pakikipagbati, may kalabuan ang inaasahang ‘kiss and make up’ nina Sens. Panfilo "Ping" Lacson at Alan Peter Cayetano dahil walang pagsisising ipinakita ang huli sa nagawa nitong pagkakamali.

Ayon kay Lacson, maibabalik lamang ang magandang samahan at pagkakaibigan nila ni Cayetano, katulad nang nasaksihan ng publiko ng nakaraang kampanya kung pagsisisihan ng kasamahan ang mga maling desisyon partikular ang ginawang pagtalikod sa oposisyon.

"‘Pag na-redeem nila sarili nila and they show they really belong to the opposition sa akin tama na ‘yan. Papakita nila ‘yan sa mga gagawin nila hindi sa pananalita na sila’y opposition. Makikita sa ginagawa nila," pahayag ni Lacson.

Nais ni Lacson na manumbalik ang magandang samahan ng mga taga-Ge-nuine Opposition (GO) katulad ng nangyari sa proclamation rally sa Plaza Miranda, Quiapo Maynila, Cagayan De Oro City, Davao City at iba pang lalawigan noong eleksyon.

"I really hope so. Mababalik ang dating samahan ‘di lang kay Alan Peter Cayetano pati dati naming kasamahan. Kakapit kamay namin sila every time rally kami sa Miranda, Cagayan De Oro, Davao. Talagang isa sinisigaw namin. Nakakalungkot ngayon iba ang sinisigaw. I certainly hope mababalik ang dating samahan," ani Lacson.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top