OFWS PINUPUWERSA NG KANO SA IRAQ 

Gloria dapat sisihin sa power crisis

Dagdag na singil sa tubig 
nagbabanta sa gitna ng krisis 

Erap inupakan ng M’cañang
sa pagtulong sa Marines

Gloria umareglo
sa Marcoses? 

Pagbabati nina Ping
at Alan malabo pa


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

Erap inupakan ng M’cañang sa pagtulong sa Marines

(Rose Miranda)


Binakbakan kahapon ng Malacañang si dating Pangulong Joseph Estrada dahil sa ibinabandera nitong pagbibigay ng tulong-pinansiyal sa mga pamilya ng mga pinaslang na sundalo ng Philippine Marines sa Basilan.

Sa panayam sa telepono, sinabi ni National Security Adviser Norberto Gonzales na hindi sila naiinsulto sa ginawa ni Estrada ngunit nagtataka sila kung bakit kailangan pa nitong ibalita sa buong media ang ginawang kabutihan.

Giit nito, dapat ay matahimik na lamang na ginawa ni Estrada ang pagtulong upang hindi ito mabigyan ng kulay-pulitika.

"You don’t advertise these things, bakit ibinalita pa kaya ngayon ay headline sa mga dyaryo? Sana tahimik na lang siyang tumulong para hindi nakukulayan ang ginagawa niyang tulong," ani Gonzales.

Hindi rin aniya tama na ikumpara pa ni Estrada ang istratehiya nito sa MILF noong administrasyon niya sa ginagawa ngayon ng liderato ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Depensa pa ni Gonzales, nauna namang magbigay ng tulong-pinansiyal si Pangulong Arroyo sa mga naulilang pamilya. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top