OFWS PINUPUWERSA NG KANO SA IRAQ 

Gloria dapat sisihin sa power crisis

Dagdag na singil sa tubig 
nagbabanta sa gitna ng krisis 

Erap inupakan ng M’cañang
sa pagtulong sa Marines

Gloria umareglo
sa Marcoses? 

Pagbabati nina Ping
at Alan malabo pa


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

Dagdag na singil sa tubig nagbabanta sa gitna ng krisis

(Bernard Taguinod/Rey Marfil)


Sa halip na makipagtulungan ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa gitna ng krisis, mistulang nagi-ging pasaway pa ito dahil sa pinaplanong dagdag-singil sa tubig gayong nahaharap sa matinding problema ang sambayanan bunga ng na-raranasang tagtuyot.

Ito ang isiniwalat ni Anakpawis party-list Rep. Crispin Beltran kaugnay ng pagsang-ayon umano ng MWSS na ipasa sa mga consumers ang gastos ng kanilang mga concessionaires sa pagpapaganda ng kanilang serbisyo.

Nabatid kay Beltran na mayroong napipintong Angat Water Utilization Aqueduct Improvement Project ng East and West concession ng MWSS su-balit sa halip na balikatin ito ng mga concessionaires ay ipapasa ito sa mga consumers.

Base ito aniya sa report ng National Economic Development Authority (NEDA) kung saan itataas ang tariff rate at malamang na ipapatupad ito sa susunod na taon.

Kapag naipatupad ang tariff rate na ito, sinabi ni Beltran na madaragdagan ng P2.51 bawat cubic meter ang kasalukuyang P16.22 per cubic meter na bayarin sa tubig.

Samantala, inirekomenda naman ni administration Sen. Ramon "Bong" Revilla, Jr. kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagkopya sa ‘water crisis formula’ ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Ayon kay Revilla, chairman ng Senate committee on public works, mas ma-kabubuting magtatag ng multi-agency task force si Mrs. Arroyo, kahalintulad ng formula na ginawa ni Ramos, ilang taon ang nakakaraan upang tugunan ang pangangailangan sa tubig ng mga magsasaka sa Ilocos at Gitnang Luzon

Sa kasagsagan ng El Niño noong 1997, binuo ni Ramos ang isang multi-agency task force para solusyunan ang naka-ambang tagtu-yot at pagkaubos ng tubig sa mga dam. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top