OFWS PINUPUWERSA NG KANO SA IRAQ 

Gloria dapat sisihin sa power crisis

Dagdag na singil sa tubig 
nagbabanta sa gitna ng krisis 

Erap inupakan ng M’cañang
sa pagtulong sa Marines

Gloria umareglo
sa Marcoses? 

Pagbabati nina Ping
at Alan malabo pa


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

Handang-handa na ang mga tropa ng pamahalaan, sa pangunguna ni Basilan police commander Salik Macapantar (nasa gitna at may kausap sa cellphone) para ihain ang warrant of arrest para sa mga rebeldeng Muslim sa Basilan na pumatay ng 14 Marines kung saan 10 sa mga ito ang pinugutan ng ulo at kinatay-katay pa ang mga katawan. (Al Jacinto)

OFWS PINUPUWERSA NG KANO SA IRAQ 


Kinalampag kahapon ni Sen. Mar Roxas ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa ulat na umano’y pinupuwersang magtrabaho sa itinata-yong US Embassy sa Iraq ang mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ikinagulat ni Roxas ang isinagawang imbestigasyon ng US Congress ng nakaraang Hulyo 26 at pinatunayan sa pamamagitan ng isang testimonya ang pagpupuslit ng 51 Pinoy workers patungong Iraq na lingid mismo sa kaalaman ng mga manggagawa na sa Iraq sila magtatrabaho.

"Niloko raw ang 51 Fi-lipinong ito na sa Dubai sila magtatrabaho, pero nalaman na lang nila na sa Baghdad pala sila dadalhin nang nasa eroplano na sila. Kung totoo nga ang ulat na ito, sapilitang pagtatrabaho ito, pang-aali-pin ito," ani Roxas.

Sa isinagawang public hearing ng US Congress noong Hulyo 26, partikular ng committee on oversight and government reform, nadiskubre ng mga mambabatas ang pang-aabuso diumano sa pagpapatayo ng US Embassy sa Iraq.

Kinakasangkapan umano ng US government ang mga Kuwaiti firms sa pag-recruit ng Pinoy wor-kers na pinapangakuan ng trabaho sa Dubai subalit Iraq ang totoong destinasyon.

Sa testimonya ni Rory Maybery, isang emergency medical technician na kinontrata ng First Kuwaiti -- ang kumpanyang nagtatayo ng US Embassy sa Iraq - ito’y inutusang mag-recruit ng Pinoy workers sa Kuwait.

Dubai umano ang destinasyong ipinangako ni Maybery sa 51 Pinoy workers at pinaasang magtatrabaho sa kilalang hotel subalit walang kamalay-malay ang mga biktima na magtatrabaho sila sa Baghdad, Iraq bilang cons-truction workers.

"Nakakapangilabot marinig na nililinlang at niloloko ang mga Pilipino ng mga abusadong kum-panya. Nananawagan ako sa DFA at DOLE na siguruhin kung tunay nga ang ulat na ito, at kung mapatunayan nga, siguruhing maibalik sila nang ligtas," ani Roxas.

Ayon pay kay Maybery, nagwala ang 51 Pinoy wor-kers nang malaman ng mga itong patungong Iraq ang sinasakyang eroplano subalit tinakot umano ng isang security officer, gamit ang isang MP-5 machine gun. Paglapag ng Iraq, ipinuslit umano ang mga Pinoy workers sa "Green Zone" at inilabas ng mga US Security Forces. Pinagtatrabaho umano ang naturang bilang ng Pinoy workers kasama ng iba pang mga manggagawa nang walang kaukulang safety equipment, ayon kay Maybery, kaya ilan sa mga ito’y nasawi at naaksidente sa trabaho.

"Kung tama ang pagkaka-alala ko, hindi pa naman pinapawalang-bisa ang travel ban sa Iraq. Eh, bakit may nakakara-ting sa atin na ulat na may mga Pilipinong nakakara-ting doon? Kung totoo nga ang testimonyang ito, wala palang saysay ang tatak sa ating mga pasaporte na ‘not valid for travel to Iraq’. Inutil pala ang mga tatak na iyon," ani Roxas

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top