|
|
HULAAN
BLUES
Isinanlang bahay ng senador tinubos ng karelasyon (Part 2)(Rey Marfil) Hindi nagtatapos sa pagkakasanla ng P20 mil-yon sa bangko ang kuwento sa bahay ng isang mi-yembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso noong 2004 national election matapos madiskubreng tinubos ito ng karelasyong mambabatas. Ang malaking rason, hindi magawang pabayaan ng karelasyong mambabatas na mailit ng bangko ang pag-aaring bahay ng senador sa Makati area, hindi dahil nagkainteres o kaya’y gusto nitong mapasakamay ang naturang bahay kundi epekto ng matinding pagmamahal dito. Bago pa man naisanla ang bahay ng senador sa Makati area, makailang-beses naging laman ng iba’t ibang blind item ang pagtatampisaw sa kasalanan ng senador at karelasyong mambabatas, as in hayag sa kaalaman ng mga maimpluwensiyang tao sa lipunan, maging sa media ang pag-iibigan ng dalawa. Sa report na nakalap ng TONITE Spy, idinulog ng senador sa karelasyong mambabatas ang estado ng kanyang pagkakautang sa bangko noong 2004 national election, as in iniyakan nito ang balikat ng karelasyon kung kaya’t gumawa ng paraan ang huli upang ipakitang ‘true love’ ang pagmamahal na nararamdaman dito. Lalo pang nakaramdam ng matinding awa ang karelasyong mambabatas dahil ancestral house ng pamilya ang isinanla ng senador kaya’t naisipan nitong magpasiklab sa mga anak at iba pang kapamilya ng nabanggit at kaagad inutusan ang kanyang mga tauhan upang tubusin sa bangko ito. Napag-alaman pang antique ang mga kagamitan sa mala-mansion na bahay na ibinigay ng dating asawa sa senador kung saan nagkakahalaga ng milyun-mil-yon, kabilang ang napakagarang pintuan mula Morocco kaya’t mas pinili nitong isanla ang pag-aaring bahay na minana sa magulang. Tanging bahay ng kanyang magulang ang isi-nanla ng senador sa bangko noong 2004 national election dahil takot itong sumpain ng dating asawa lalo pa’t merong mga anak na maaa-ring maghati sa kanilang ari-arian sa hinaharap. Nakaraang taon, kaagad ipinaayos ng karelasyong mambabatas sa senador ang mga dokumento sa pagkakasanla ng kanyang bahay at mabilis pa sa alas kuwatro ay inutusan ang kanyang tauhan upang tubusin sa bangko at bayaran ang P20 milyon, kasama ang interes nito. Bagama’t hindi perso-nal account ang ginamit ng karelasyong mambabatas, mistulang nakumpirma ng mga empleyado ng bangkong pinagsanlaan ng P20 milyon ang ‘paglalaro ng apoy’ ng dalawa partikular sa pagitan ng senador dahil tseke ng law firm na pagmamay-ari ng una ang ipinangbayad sa utang. Clue: Isa sa tinaguriang superhero ang senador, patunay ang pagiging ‘plastic’ sa kausap, maging sa Senate media. Ito’y merong letrang "A" sa apelyido, katulad din ng karelasyong mambabatas. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|