|
FETUS, ULO NG
BABAE, BANGKAY Ex-police sinaksak Empleyado nadale Solons: Gloria delikado 3 dormitoryo sa u-belt 'John Lennon’ hinoldap
|
CRIME
STORIES
'John Lennon’ hinoldap ng maskulado (Aries Cano) Tinutukan ng patalim at puwersahang tinangay ng isang maskuladong holdaper ang bitbit na celfone ng isang binatang estudyante na kapangalan ng rock legend na si John Lennon sa Maynila kahapon ng hapon. Dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktima na nakilalang si John Lennon D. Usman, 19, taga-Dagupan St., Tondo, Maynila matapos ang insidente. Inilarawan ang suspek na nakasuot ng itim na t-shirt, naka-maong na pantalon, maitim ang kulay ng balat at malaki ang kaha ng pangangatawan. Bandang alas-singko kahapon ng hapon ng holdapin umano ng suspek ang biktima habang sakay ng pampasaherong dyip na papuntang Divisoria, partikular na pagsapit sa Claro M. Recto Avenue at Evangelista St., Sta. Cruz, Maynila. Samantala, isang dayuhang taga-Thailand ang dinaluhong naman ng isang nakabisekletang isnatser sa Maynila kahapon ng hapon. Nakilala ang biktima na si Mins Piyachat Menune, 23-anyos, walang asawa. Sa ulat, pasado alas-tres ng hapon kahapon ng dagitin ng hindi pa nakikilalang lalaking suspek na sakay ng bisikleta ang suot na kuwintas ng biktima habang naglalakad ang huli sa tapat ng National Museum sa Burgos St., Ermita, Maynila. Matapos maisakatuparan ang pakay nagmamadaling lumayo ang suspek sa pinangyarihan ng krimen. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|