|
FETUS, ULO NG
BABAE, BANGKAY Ex-police sinaksak Empleyado nadale Solons: Gloria delikado 3 dormitoryo sa u-belt 'John Lennon’ hinoldap
|
CRIME
STORIES
3 dormitoryo sa u-belt ng Maynila, ipinasasara(Aries Cano) Nagpalabas kahapon ng kautusan ang pamahalaang lungsod ng Maynila kaugnay sa pagpapasara sa tatlong dormitoryo sa university belt dahil sa umano’y paglabag sa ipinatutupad na safety standards. Ayon kay John Sangalang, head ng Committee on Dormitories sa City Administrators Office, nabigyan na nila ng notice of closure ang mga may-ari ng tatlong dormitoryo. Maliban sa pagiging ‘fire traps’ sinabi pa ni Sangalang na ang mga dormitoryo na kadalasang kliyente ay mga estudyante at transients, nadiskubre rin na maraming paglabag itong nagawa kagaya ng pag-ooperate ng walang kaukulang lisensiya, overcrowded at poor ventilation. Ang tatlong dormitoryong ipapasara ay ang pag-aari umano nina Myra Ordenes na nasa 1080 Adelina St. Sampaloc; Alegria Toredes, may-ari ng Alen’s Dormitory na nasa 646 M.V. delos Santos St., Sampaloc; at Jocilyn Mangao ng 932 S.H. Loyola St., Sampaloc. Idinagdag pa ng opisyal na bago ipinalabas ang closure order ang pinagsanib na puwersa na kinabibilangan ng fire, sanitation, engineer, permits, treasurer at administrator department ay magkakasamang nag-inspeksyon sa establisiyemento at nadiskubre ang mga paglabag dahilan upang ipatupad ang naturang kautusan.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|