|
FETUS, ULO NG
BABAE, BANGKAY Ex-police sinaksak Empleyado nadale Solons: Gloria delikado 3 dormitoryo sa u-belt 'John Lennon’ hinoldap
|
CRIME
STORIES
Solons: Gloria delikado sa laban-bawi vs MILF (Bernard Taguinod) Mahaharap sa problema si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Philippine Marines kapag naging permanente na ang pagpapaliban sa opensiba laban sa mga Moro rebels na nasa likod ng pagpugot sa kanilang mga kasamahan. Ito ang banta ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon bilang reaksyon sa pagpapaliban sa police-military operation kahapon laban sa mga rebeldeng Muslim na umambus at pumugot ng 10 sa 14 na sundalong napatay sa Tipo-Tipo, Basilan. Umaasa si Biazon na huling pagpapaliban na ito ng gobyerno dahil kung hindi itutuloy ang pag-aresto sa mga suspek ay mahaharap sa matinding problema ang administrasyon sa aniya’y demoralisadong Marines. "In case ma-cancel ulit at maging permanent na ang cancellation, the government will be facing a demoralized Marines, as well as a marginalized Armed Forces of the Philippines," pahayag ni Biazon. Kahapon sana ang unang araw ng mga pulis at militar para ihain ang warrant of arrest laban sa may 130 katao subalit ipinagpaliban hanggang Huwebes upang bigyan pa umano ng pagkakataon ang imbestigasyon sa insidente sa Basilan. Ito ang ikalawang pagkakataon na kinansela ang ipinormang opensiba dahil noong nakaraang linggo, pinigil ni Arroyo ang paglusob at inutos na mag-imbestiga muna kaya nabuo ang fact-finding investigation. "Dapat eto na ang last postponement para hindi magtaka ang publiko," ayon naman kay Parañaque Rep. Roilo Golez dahil kapag muling ipinagpaliban umano ang operasyon ay magtataka na ng husto ang taumbayan. Gayunman, hindi umano masisisi ni Golez ang gobyerno na ipagpaliban muna ang opensiba dahil masyado aniyang malaki ang 130 katao na hahainan ng warrant of arrest kaya dapat pa itong himayin. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|