FETUS, ULO NG BABAE, BANGKAY
AT KALANSAY NATAGPUAN

Ex-police sinaksak
ng aarestuhing mandurukot

Empleyado nadale
ng laglag-ballpen

Solons: Gloria delikado 
sa laban-bawi vs MILF

3 dormitoryo sa u-belt
ng Maynila, ipinasasara

'John Lennon’ hinoldap
ng maskulado


Hulaan Blues

Top Stories


 

CRIME STORIES

Empleyado nadale ng laglag-ballpen

(Vladi Eduarte)


Nawalan ng cellphone ang isang empleyado mata-pos mabiktima ng laglag-ballpen sa Makati City kagabi.

Ayon kay PO3 Noli Jucal ng Makati Police Headquarters, walang ipinagkaiba sa laglag-barya ang modus operandi ng laglag-ballpen na lilituhin ng magkakasabwat na suspek ang biktima at kapag nalingat ay tsaka dudukutan.

Ganito ang nangyari kay Marlon Catanoso Conejos, 35, habang naghihintay ng masasakyang jeep pauwi ng Bacoor, Cavite bandang alas-7:10 kagabi sa kahabaan ng Sen. Gil Puyat Avenue, Makati.

Dalawang lalaki umano ang unang lumapit sa kanya, nagtatanong ng direksiyon patungo sa isang lugar sa Makati. Nalito si Conejos dahil parang hindi pa naririnig ang lugar na sinasabi ng mga kausap.

Pero nagpupumilit pa rin umano ang dalawa, napakaraming nakakalitong tanong, hanggang maramdaman ni Conejos na may isa pang lalaking unti-unting dumikit sa kanya pero noong una ay hindi niya binigyang-pansin sa akalang nakikinig lang ito sa usapan.

Maya-maya, nahulog umano ang ballpen na hawak ng isa sa mga kausap niyang nasa bandang kaliwa. Yumuko si Conejos para damputin ang ballpen at nang maibalik na nakahulog ay nagpaalam na ang mga ito at pati ang lalaking akala niya ay nakikinig sa usapan ay nawala na rin.

Wala na ang mga suspek nang malaman ni Conejos na wala na ang Nokia celphone niya sa bulsa. Pati ang dala niyang back pack ay bukas na rin umano pero walang nawala. 

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top