|
FETUS, ULO NG
BABAE, BANGKAY Ex-police sinaksak Empleyado nadale Solons: Gloria delikado 3 dormitoryo sa u-belt 'John Lennon’ hinoldap
|
CRIME
STORIES
Ex-police sinaksak ng aarestuhing mandurukot (Lily Reyes) Isang retiradong pulis ang malubhang nasugatan matapos saksakin ng dalawang mandurukot na aarestuhin sana ng biktima matapos siyang dukutan kahapon sa Malabon City. Isinugod sa Tondo Medical Center sanhi ng dalawang saksak sa kaliwang tagiliran si Virgilio Carreon, 67, ng 109 Samson St., Concepcion, Malabon. Arestado naman si Ricardo Minares, 25, ng Dante St., Bgy. Tañong, Malabon habang nakatakas ang hindi pa nakikilalang kasama nito. Sa imbestigasyon ni PO3 Rommel Habig, alas-4:45 ng umaga nang maganap ang insidente habang nasa loob ng Malabon City Fish Market sa Estrella St., Tañong ang biktima upang mamili ng isda. Naramdaman umano ng biktima na dinudukot ng suspek na si Minares ang kanyang pera na nasa bulsa ng suot na jogging pants. Kaagad na hinawakan ng dating pulis ang kamay ni Minares upang arestuhin subalit mabilis na bumunot ng patalim ang mga suspek at sinaksak ang biktima bago mabilis na tumakas. Naaresto si Minares ng mga rumespondeng barangay tanod samantalang dinala naman ang biktima sa naturang ospital para malapatan ng kaukulang lunas ang mga tinamong saksak. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|