|
FETUS, ULO NG BABAE, BANGKAY Ex-police sinaksak Empleyado nadale Solons: Gloria delikado 3 dormitoryo sa u-belt 'John Lennon’ hinoldap
|
CRIME
STORIES
FETUS, ULO NG BABAE, BANGKAY AT KALANSAY NATAGPUAN Ni IRWIN CORPUZ Kakila-kilabot na mga pangyayari ang naitala sa blotter ng pulisya dahil sa pagkakatagpo ng isang fetus, pugot na ulo ng babae, naaagnas na bangkay ng lalaki at isang kalansay ng tao sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila at lalawigan ng Rizal. Nagulat na lamang ang isang guwardiya nang buksan nito ang isang kahon na iniwan sa isang lugar ng NCC Market sa VV Soliven, Cainta, Rizal at nakita ang laman na isa palang fetus na tinatayang nasa siyam na buwan na at lalaki ang kasarian. Nagroronda umano ang guwardiyang si Joseph Ian Alborate, 21, sa NCC Market kahapon ng umaga nang makita nito ang kahon. Dahil sa kuryusidad, inusisa ng sekyu kung ano ang laman ng kahon at dito natuklasang fetus pala ang nasa loob. Napansin naman kamakalawa ng hapon ng bantay-bayan na si Bigonia Balatera ang isang lunch box na lulutang-lutang sa Pasig River na nasasakupan ng J. Rizal Plaza, Mandaluyong City. Ayon kay SPO3 Jaime Masilang ng Mandaluyong Police Station, inahon ni Balatera mula sa ilog ang nakitang kulay asul na lunch box at nang siyasatin, nadiskubreng ulo ng isang babae ang laman. Aalamin ngayon ng mga awtoridad kung ang naturang ulo ay bahagi ng natagpuang katawan ng isang babae na isinilid sa isang plastic bag noong nakaraang Linggo ng umaga sa panulukan ng Lope Kaye St. at J. Mabasa, San Juan City. Samantala, isang naaagnas na bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang lulutang-lutang sa Pasig River na sakop ng Mandaluyong City dakong alas-siyete ng umaga. Inilarawan ang bangkay na nakasuot ng gray t-shirt na may tatak na "Our Lady of the Holy Rosary Church Montalban, Rizal", nakasuot ng sports short pants at tinatayang nasa 25 hanggang 30 taong gulang, at may taas na 5’8". Isa namang kalansay ang natagpuan kamakalawa ng hapon sa mabato at bulubunduking lugar ng Sitio Kaysakat, Bgy. San Jose, Antipolo City. Hinihinalang matagal na sa naturang lugar ang kalansay at nababad na sa pag-uulan kaya posibleng mahirapan nang alamin kung babae o lalaki ito maliban na lamang kung susuriin ng mga dalubhasa. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||||
|
|