APRIL 19, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
SPORTS NEWS


  PSC magbabawas
Ramil Cruz
 

Tatapyasan ng Philip­pine Sports Commission (PSC) ng 50 porsyento ang kasalukuyang mahi­git na 1,000 miyembro ng national training pool dahil na rin sa rationalization nito sa taong ito at sa papasok na taon.

Sa tatlong ikinatwiran kahapon ni PSC Chairman William Ramirez, iniha­yag niya na ang hakbang ng PSC board ay dahil na rin sa karampot lang na magiging bilang ng delegasyon ng bansa para sa 29th Summer Olympic Games sa Beijing, China sa darating na Agosto at sa susunod na taong 25th Southeast Asian Games sa Vientiane, Laos sa Dis­yembre 13-21.

“And aside from that, the PSC board are also planning to increase the monthly stipend of deserving national training pool members,” anang tagapangulo ng kumisyunado, na inihayag ang bala­kid sa may mahigit na 50 national sports association leaders kamakalawa ng hapon.

Plano ng PSC na libu­ting isa-isa ang NSA’s si­mula sa Mayo upang iparating ang bagong balakid. Kabilang sa mababaklas ang mga non-gold medal winner sa nakaraang dala­wang SEA Games.

May 14 na atleta lamang ang patungong Beijing Olympics na inaasa­hang aabot sa humigit-kumulang lang sa 20 sa sandaling matapos na ang qualifying meets ng ibang sports, habang mula sa 43 sports discipline sa 24th SEA Games noong Dis­yembre sa Nakhon Ratchasima, Thailand, aabot lang sa 25 disciplines ang lalaruin sa Laos dahil sa kawalan pa nito ng mga pasilidad.

 


Microsoft Internet Explorer 7