APRIL 19, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
SPORTS NEWS


  Whoppers muling hihirit
 

Standings W L         
Harbour Centre 11  0         
Hapee Toothpaste 8 4         
Burger King 7 6         
San Mig Coffee 5 6         
Pharex 5 6         
Noosa Shoes 5 7         
Toyota Otis 5 7         
Bacchus Energy 4 8         
Nokia RP Youth 0 6         

Laro ngayon:
(The Arena, San Juan)
12:00 noon -- Nokia-RP Youth vs Noosa Shoes
2:00 p.m. -- Pharex vs Bacchus Energy
4:00 p.m. -- Burger King vs San Mig Coffee

Didikit ang Burger King sa sumesegundang Hapee, sa pagtatangkang maitala ang ikatlong sunod na panalo kontra San Mig Coffee, sa pagpapa­tuloy ng aksiyon ngayon ng 2008 PBL Lipovitan Amino Sports Cup sa The Arena sa San Juan. Habang mahaharap naman sa krusyal na kalagayan ang Bacchus Energy Drink, na haharapin ang Pharex.

Sa bisa ng kanilang impresibong back-to-back wins, mas pinapaburan ang BK Whoppers na makaulit ng panalo sa Coffee Kings sa main-game ng alas-kuwatro ng hapon sa triple bill action.

Pagbabalik naman sa winning track ang la­yon ng Bacchus at Pharex sa kanilang tunggalian sa alas-dos ng hapon habang kahalintulad na misyon din ang isasakatuparan ng mas pinapaborang Noosa Shoes laban sa winless pa ring Nokia-Philippine Youth team sa alas-12:00 ng tanghali.

Tumuntong ang BK Whoppers sa No. 3 position nang makasapul ng dalawang sunod na pana­lo kung saan pinakahuli ang 67-62 pagdaig sa Noosa Shoes noong Huwebes. Ang 60-48 pag­lagok naman nila sa Bacchus noong Martes ang tumapos sa kanilang four-game losing run at kasalukuyang nasa solo third spot sa 7-6 record.

Sa una nilang pag­haharap, ay sumandal ang Whoppers kina Marcy Arellano, Khiel Misa at Abby Santos upang higupin ang Coffee Kings sa overtime, 73-67.

 


Microsoft Internet Explorer 7