APRIL 19, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
SPORTS NEWS


  GINEBRA BOKYA PA
Ramil Cruz
 

STANDINGS
TEAMS W L
Coca-Cola 4 1
Sta. Lucia 3 1
Red Bull 3 1
Talk ‘N Text 3 2
Purefoods 2 2
Magnolia 2 2
Air21 2 2
Alaska 2 2
Brgy. Ginebra 0 4
Welcoat 0 4

Laro ngayon: (Ilocos Norte Centennial Arena, Laoag City)
4:30 p.m. – Alaska Milk vs. Red Bull Energy Coffee Mix

Bumalikwas ang Coca-Cola sa first quarter 13-point deficit upang bulilyasuhin ang debutanteng laro ni Junthy Valenzuela sa pagtoma sa Barangay Ginebra San Miguel, 82-81 sa 2008 SMART Philippine Basketball Association Fiesta Conference first round eliminations sa Araneta Coliseum sa Quezon City kagabi.

IMPORT VS IMPORT: Isang hook shot ang kinana ni Ernest Brown ng Brgy. Ginebra, sa harap ni Coca-Cola import Jason Dixon sa kanilang PBA game kagabi sa Big Dome. (John Paulino)

Ang come-from-behind win na nagsilbing pambawi ng Coke buhat sa 102-95 desisyon kontra Air21 noong Linggo ay muling nagbalik ding mag-isa sa kanila sa itaas ng katayuan sa apat na panalo laban sa isang talo.

Pwede pang makare­kober ng Ginebra suba­lit kinapos na sa oras ang open lay-up ni Mark Caguioa bago pa ang pinaleng buzzer at ikagulong ng Kings sa apat na talo sa pag-agapay sa Welcoat Paints sa kangkungan.

“Aries (Dimauna­han) was the key, although he was not playing the last time, he played good defense and offense tonight,” bigkas ni Tigers coach Vincent ‘Binky’ Fa­vis. “And I’m glad to get another win again to notch the leaderboard.”

May walong puntos lang na tinapos ang playmaker na si Dimaunahan subalit ang dalawa niyang 3-pointer ang nagpasiklab sa 20-3 salvo sa umpisa ng final canto para sa biggest lead ng softdrinks na 11, 78-67, 5:28 sa gameclock.

Si Jason Dixon ang bumantayog sa opensiba sa 18 pts., kasunod si Paul Asi Taulava na may 17 bukod pa sa 1 rebounds at si George Gervin, jr. ay nagbigay ng 14 markers na tumaklob sa 30 ni Mark Caguioa at 17 pts. at 12 boards ni Ernest Brown.

Sa pampalabok na giyera, kumontak si Mark Cardona ng 35 points - conference-high sa locals -- na nagpalansi sa Talk ‘N Text kontra Sta. Lucia Realty, 115-113, at solohin ang pang-apat na pwesto sa rekord na 3-2.

Sa tikim na unang talo sa apat na subok ay buma­ba ang Realtors sa two-way tie sa segunda kaakay ang Red Bull Energy Coffee Mix sa 3-1.

 


Microsoft Internet Explorer 7