APRIL 19, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
Smugglers sampolan
Bernard Taguinod


Sa lahat ng ginawa ni Mahal na Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ang pagsugod nito sa Bureau of Customs (BOC) para bantayan ang pagbuo ng kaso laban sa isang importer ang ikinatuwa ko.

Sa wakas, may nasampahan agad ng kaso sa loob lamang ng dalawang linggo matapos mahuli ang kontrabando ng isang importer... buti na lang mainit ang ulo noon ni Mahal na Pangulo.

Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit napakatagal bago makapagsampa ng kaso ang BOC... ano ‘yun may hinihintay o naghihintay ng ano? Kung hindi pa binantayan ng Mahal na Pangulo, baka hanggang ngayon ay walang pang naisasampang kaso. Style niyo ha.

Pero bilib ako sa tapang ng mukha ni BOC commissioner Napoleon Morales ha. Kailangang pa siyang bantayan para magawa ang kaso. Kung sa ibang bansa iyan, nag-resign na iyan. Kaso Pinoy si Morales eh.

Dapat siguro, dalas-dalasan ni Mahal na Pangulo ang pagdalaw sa BOC para marami pang maisampang kaso laban sa mga smugglers. Alam na ng lahat na may mga smugglers, ang BOC na lang ang hindi.

Hindi lang din sana ningas kugon si Mrs., este Mahal na Pangulo at lahat ng smugglers ay habulin niya. May mga tsismis na maraming nasa paligid at sipsip kay Mahal na Pangulo ang lumulutang ang pangalan kapag may nabubukong smuggling activities. Sige nga, magsampol kayo!

Wala rin kaming balita na mayroon ng big time smugglers ang nakulong at binawi ang mga ari-arian. Hindi na ako magtataka na hindi ito nangyayari dahil maraming kaibigan ang mga mokong na ito sa Malacañang.

 

Microsoft Internet Explorer 7