APRIL 19, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
Justice for Nani
Gerry Baja


Kung inaakala ninyo na dapat nang magsaya ang mga Filipino sa pagsasampa ng kaso laban kay dating Justice Secretary Hernando “Nani” Perez, nagkakamali kayo.

Mukhang hindi pa rin makakakita ng malaki at bigotilyong isda ang mga mamamayan sa ilalim ng Arroyo Administration.

Sa takbo ng mga pangyayari, dapat pang matuwa ang dating Justice Secretary sa ginawa ng Ombudsman na pagsasampa sa kanya ng kasong Graft laban sa kanya, sa asawang si Rosario, bayaw na si Ramon Arceo at kaibigang si Ernest Escaler.

Ito ay dahil magkakaroon na siya ng pagkakataong “malinis” ang kanyang pangalan sa tamang lugar at tamang panahon.

Tamang lugar ang Ombudsman at Sandiganbayan at tamang panahon ang 2008 hanggang 2010 bago ang susunod na Presidential elections.

Sa panahon lamang ng kanyang MAHAL NA PANGULO makakamit ni “Mr. Swave” ang klase ng Hustisya o katarungang para lamang sa kanya.

***

Sa klase pa lamang ng kasong isinampa ng Ombudsman, halata ng ito ay hindi hataw ng DOS POR DOS kundi haplos ng pagmamahal.

Hindi pa nga lang matiyak kung saan galing ang haplos...kung ito ay galing sa kanyang dating Undersecretary of Justice at ngayon ay Ombudsman Merciditas Guttierez o mismong sa kanyang MAHAL NA PANGULO.

Sa halip na plunder dahil ang kaso ang kinapapalooban ng 2 million dollars o mahigit walumpung milyong piso, mas mababang kaso ng Graft ang isinampa.
Kaya’t nagpuputok tuloy ang butsi ng nakatikim ng kasong Plunder, ang ating Birthday boy ngayon, si dating Pangulong Joseph Estrada. Pasok na pasok daw sa Plunder ang kaso ni Nani.

“Sec. 2. Definition of the Crime of Plunder; Penalties. -- Any public officer who, by himself or in connivance with members of his family, relatives by affinity or consanguinity, business associates, subordinates or other persons, amasses, accumulates or acquires ill-gotten wealth through a combination or series of overt criminal acts as described in Section 1 (d) hereof in the aggregate amount or total value of at least Fifty million pesos (P50,000,000.00) shall be guilty of the crime of plunder and shall be punished by reclusion perpetua to death.

Sakaling mapatunayang nagkasala sa kasong Graft, 10 taon lamang makukulong si Sec. Perez samantalang sa Plunder ay habambuhay na pagkabilanggo.
Bukod sa mas mababang kaso, pahihinain pa ito ng ginawang pag-urong ng reklamo ni dating Congressman Mark Jimenez noong 2007.

Sabi nga po ng walang kinikilingan at walang pinoprotektahang si Justice Secretary Raul Gonzalez: “It will certainly have an effect. It will certainly weaken the prosecutor’s case if the main complainant will now refuse to testify”.
Dito ngayon makikita kung alin ang pahahalagahan ng Ombudsman -- ang kasalanan ni Nani kay MJ o ang kasalanan nito sa bayan.

***

Sa nalalabing 26 na buwan ng Administrasyong Arroyo ay nakapagtatakang biglang nagising ang Ombudsman sa kaso ni Nani Perez.
Parang may biglang gumising sa Ombudsman at sinabing... “Oras na!” (Senator Mar, may alam ka ba dito?)

Hinala ko, ang gumising sa Ombudsman ay mga “maimpluwensyang” tao na may kinalaman sa 12 milyong dolyar pang nawawala sa SUHULAN sa IMPSA deal.
Hindi pababayaan si Nani ng nakakuha ng 7 million dollars, ng nakakuha ng 4 million dollars at 1 million dollars sa IMPSA deal.

Ngayon na ang tamang panahon para kasuhan si dating Justice Secretary Nani Perez.

Dahil hindi nila maibibigay kay Nani ang “hustisya” kung sila ay wala na sa kapangyarihan.

gerrybaja@yahoo.com

 

Microsoft Internet Explorer 7