APRIL 19, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
Rizal, idineklarang FMD-free
 

KAPITOLYO NG RIZAL --- Iniangat ng Bureau of Animal Industry (BAI) at ang National FMD Task Force ang Foot and Mouth Disease (FMD) status ng Lalawigan ng Rizal mula sa Protected Zone tungo sa FMD-free with vaccination.

Ginawa ang deklarasyon nitong katatapos lamang na BAI’s 78th Anniversary Celebration sa Quezon City. Dinaluhan ang naturang seremonya ni G. Steve Scott -- De­puty Head of Mission, Australian Embassy; G. Kazayuki Tsurumi -- Kinatawan ng FAO; Atty. Bernie Fondevilla -- Undersecretary and Chief of Staff, Kagawaran ng Agrikultura at Senador Edgardo Angara ang Keynote Speaker sa naturang okasyon.

Ang pinabuting antas ng FMD sa lalawigan ay resulta ng magkasamang pagkilos ng mga namumuhunan mula sa gobyerno at sa pri­badong sektor na may layuning burahin ang nasabing sakit at magkaroon ng zero FMD outbreak sa loob ng halos da­lawang taon.

Noong taong 1995, isang malaganap na FMD ang pumilay sa ekonomiya ng paghahayupan, partikular sa sektor ng babu­yan. Habang laganap ang naturang sakit, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal, sa pangunguna ni Gobernador Jun Ynares III ay gumawa ng matibay na ak­syon sa layunin nitong maprotektahan ang lokal na industriya ng babuyan mula sa mapaminsalang sakit at tuloy nagbigay-daan sa isang positibong pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor. Mula dito ay inilunsad ang pagkakaroon ng sustainable FMD Eradication Plan sa lalawigan.

Pinahalagahan ni Gov. Ynares ang pagtutulungan ng gobyerno at priba­dong sektor sa pagkakaroon ng mga maka­bagong pamamaraan o estratehiya na pipi­gil at lulupig sa mga sakit na maaa­ring dumapo sa mga hayop. Ang implementasyon ng biosecurity measures at ang pagkakaroon ng libreng bakuna sa sakit na FMD at kaagapay nito ang edukasyon at pagbibigay impormasyon sa mga backyard farmers, ay mala­ki ang naitulong upang ma­bawasan at malupig ang pag­laganap ng FMD.

“Sa deklarasyong ang Lalawigan ng Rizal ay malaya na sa FMD, magi­ging matibay ang oportunidad ng ating mga livestock farmers at lalawak ang ating kalakalan para sa mga ito dahil ang ating mga meat products ay maaari nang i-export sa ibang bansa,” paliwanag ni Gov. Jun Ynares III.

 

Microsoft Internet Explorer 7