APRIL 19, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
GRAFT CASE KAY NANI MAHINA -- UNO
 

Isa na naman umanong uri ng walang kwentang pagkukunwari ang kasong graft na isinampa laban kay dating Justice Secretary Hernando ‘Nani’ Perez na layuning ipakita umano sa publiko na ng Office of the Ombudsman ay may kakayahang litisin ang mga graft cases laban sa sinumang kaibigan at kamag-anak ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ayon sa United Opposition (UNO) kahapon.

Ayon kay UNO spokesman Atty. Adel Tamano, umaasa umano ang oposis­yon na ibabasura ng San­diganbayan ang “legally infirm” na graft case laban kay Perez, bago pa man ito maisampa ni Ombudsman Merceditas Gutierrez.

“This reminds us of Oliver Lozada filing impeachment proceedings against President Arroyo before the House of Representatives,” ani Tamano.

Una rito, sinabi ng kasalukuyang Justice Secretary na si Raul Gonzalez na mahihirapan ang Ombudsman na isakdal ng kasong graft si Perez dahil iniurong na ng orihinal na complainant na si Mark ‘MJ’ Jimenez ang demanda sa pamamagitan ng pag-execute ng affidavit of desistance.

Ayon naman kay Makati Mayor at UNO President Jejomar Binay, mahina ang kasong isinampa laban kay Perez at si Ombudsman Gutierrez, na sinasabing law-classmate ni First Gentleman Miguel Arroyo ay hindi umano maganda ang kredibilidad sa pani­ngin ng masang Pilipino.

“The Ombudsman has along way to go to prove its independence from Malacañang,” ani Binay. “The reality is that under the Arroyo administration, the Ombudsman is engaged in selective prosecution,” dagdag nito.

 

Microsoft Internet Explorer 7