Hinikayat ni Senator Loren Legarda ang lahat ng magsasakang Pilipino, maging iyong mga nagtatanim ng gulay at iba pang non-palay crops, na magtanim na rin ng palay sa kanilang planting schedules gamit ang crop rotation techniques.
Ayon kay Legarda, wala pang kalahati ng kabuuang 9.9 milyong agricultural land sa bansa ang natataniman ng palay kung kaya maiibsan ang krisis sa bigas kung madaragdagan ang sasakahing lupa para sa palay.
“We can ensure 100% rice sufficiency without resorting to imports if all non-palay farmers will also include palay in their seasonal planting schedules,” wika ni Legarda. “Doing so might even transform the Philippines from a rice-importing to a rice-exporting country.”
Ginawang halimbawa ni Legarda ang mga tobacco farmer na sa huling siyam na taon ay nagtatanim na rin ng palay tungo sa masaganang ani na 5.2 tonelada ng bigas kada ektarya, kumpara sa national average na 2.9 tonelada kada ektarya.
Sinabi ni Legarda na bukod sa madaragdagan ang bilang ng mga nagtatanim ng palay, subok na rin ang benepisyo ng crop rotation tulad ng pagtaba ng lupa at bawas-gastos sa pataba at pestisidyo.
|