APRIL 19, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
Nani nagpasaklolo sa SC
Grace Velasco
 

Dumulog na sa Korte Suprema si dating Justice Secretary Hernando Perez upang pigilan ang nakaambang paglilitis sa mga kasong isinampa ng Ombudsman laban sa kanya at tatlong iba pa kabilang ang kanyang asawa.

Batay sa 65-pahinang petisyon na inihain ni Perez at asawang si Rosario sa Supreme Court (SC), inilutang ni Perez na naging biktima lamang siya ng pulitika nang resolbahin ni Ombudsman Merceditas Gutierrez ang kanyang motion for reconsideration.

Aniya, minsan na umanong inihayag ni Gutierrez na maituturing nang patay ang kaso nang maghain ng affidavit of desistance si dating Manila Representative Mark Jimenez.

Iginiit pa nitong nilabag ng Ombudsman ang kanyang karapatan para sa mabilis na paglilitis nang matulog ang kaso sa tanggapan sa loob ng matagal na panahon.

Ani Perez, matagal na niyang hinihiling sa Ombudsman na desisyunan na ang kaso, subalit nagtagal pa rin ito ng halos limang taon bago nakapagpalabas ng resolusyon.

Bukod dito umabuso rin umano sa kapangyarihan ang Ombudsman dahil sa pagtanggap ng mga ebidensiyang hindi pinapayagan ng batas tulad ng mga hearsay o sabi-sabi.

Humirit ang dating Kalihim sa SC para magpa­labas ng temporary res­training order na pansamantalang pipigil sa pag-usad ng kasong naisampa na ng Ombudsman.

Samantala, kinontra ni Justice Secretary Raul Gonzalez ang pahayag na plunder at hindi graft ang dapat na isinampa ng Ombudsman laban kay Perez.
Ayon sa kalihim, hindi umano nagkamali si Gutier­rez sa pagsusulong ng kasong graft and robbery extortion sa Sandiganbayan laban kay Perez.
Ito ay bilang reaksyon sa pahayag ng ilang mam­babatas na nagsasabing dapat ay plunder ang ikinaso kay Perez sa anti-graft court.

Ipinaliwanag ni Gonzalez na ang kaso ni Perez ay sangkot ang paghirit umano ng pera mula kay dating Manila Rep. Mark Jimenez o Mario Crespo.

Aniya, hindi nagwaldas ng pondo ng gobyerno si Perez sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang kalihim.

 

Microsoft Internet Explorer 7