APRIL 19, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
GMA SUKO SA RICE TRADERS
Bernard Taguinod With Rey Marfil
 

Mistulang nagtaas na ng bandilang puti ang Malacañang sa mga rice traders dahil sa halip na tuparin ang unang naipa­ngako na ibababa ang pres­yo ng bigas ng National Food Authority (NFA) upang mapilitan ang mga rice traders na ibagsak ang halaga ng commercial rice ay tila makikipagsaba­yan pa ito sa pagtataas ng presyo.

Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Teddy Casiño, sa halip na ibaba ang presyo ng NFA rice, ibebenta pa sa P25 bawat kilo ang US rice na inangkat ng gobyerno habang aalisin naman sa mga palengke ang ordinaryong NFA rice upang ilayo sa mga rice traders.

Magugunitang unang pinalutang ng Malacañang ang pagtataas ng presyo ng NFA rice sa dahilang mataas na umano ang bilihan ng palay.

Sinabi naman ni Casiño na isa itong uri ng pagsuko at pruweba na walang magawa si Arroyo sa naturang problema gayung hiniling na sa kanya ng mga tao na magpatupad ng price control upang mapi­gilan ang mga rice traders sa pagtataas ng presyo ng commercial rice.

Sinabi naman ni Anakpawis party-list Rep. Cris­pin Beltran na inutil ang administrasyong Arroyo sa kampanya laban sa mga tiwaling negosyante sa bigas dahil tanging ang maliliit lamang ang pinapasadahan habang patuloy ang hoarding ng mga big time rice cartel.

Ayon kay Beltran, hindi na ito magtataka kung lalabas na mayroong mga corrupt officials na nasa likod ng paglobo ng pres­yo ng bigas dahil kasabwat ng mga ito ang mga mala­laking negosyante ng bigas para pagkakitaan ang krisis.

“We will not be surprised if it turns out that corrupt government officials are in connivance with rice cartels,” paha­yag ni Beltran dahil pawang malilit na rice traders lamang ang nire-raid ng mga awtoridad.

Hindi na nagbigay ng pangalan si Beltran kung sinu-sino ang mga negos­yante sa bigas ang sangkot sa rice cartel at mayroong kasabwat sa gobyerno subalit alam na, aniya, ito ng Malacañang.

“Even if government authorities has pinpointed the alleged members of a big time cartel (composed mostly of Filipino-Chinese businessmen) operating in the rice industry but still it focuses on small time ope­rators and hoarders,” dagdag pa ng kongresista.

Hanggang ngayon ay wala pa umanong malala­king pangalan sa nasabing industriya ang nahuhuli ng gobyerno kaya duda ang mambabatas na mayroong pinipili sa operasyon dahil sa posibleng pakiki­pagsabwatan ng mga corrupt public officials.

Sa Senado, sinupalpal naman ni Sen. Francis “Chiz” Escudero III ang pagsangkalan ng mga eksperto sa lomolobong populasyon bilang ugat ng rice crisis.

Ayon kay Escudero, mas maraming bansa ang naka­raranas ng paglobo sa populasyon subalit kayang tugunan ng gobyerno ang food supply at hindi natataranta sa paghahanap ng bigas.

Maling pananaw, aniya, ang pagsangkalan ng mga eksperto sa lomolobong populasyon upang malusutan ni Pangulong Arroyo ang problema sa rice crisis, maging ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin at gasolina.

“Other countries have bigger populations but are able to feed them. It’s a question on food production not population,” resbak ni Escudero.

 

Microsoft Internet Explorer 7