APRIL 19, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
OTHER NEWS
 
GMA SUKO SA RICE TRADERS
Bernard Taguinod With Rey Marfil
Mistulang nagtaas na ng bandilang puti ang Malacañang sa mga rice traders dahil sa halip na tuparin ang unang naipa­ngako na ibababa ang pres­yo ng bigas ng National Food Authority (NFA) upang mapilitan ang mga rice traders na ibagsak ang halaga ng commercial rice ay tila makikipagsaba­yan pa ito sa pagtataas ng presyo.
Gloria ginagalit ang mga manggagawa
Bernard Taguinod/Rey Marfil
Mistulang sinusutil na ng mga spokesman ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang taumbayan matapos ihayag ng mga ito na hindi prayoridad ng Malacañang ang wage hike na hinihintay ng mga manggagawa.
Nani nagpasaklolo sa SC
Grace Velasco
Dumulog na sa Korte Suprema si dating Justice Secretary Hernando Perez upang pigilan ang nakaambang paglilitis sa mga kasong isinampa ng Ombudsman laban sa kanya at tatlong iba pa kabilang ang kanyang asawa.
Erap sa 2010 malabo sa SC
Bernard Taguinod
Kung malaki ang pag-asa ni dating Pangulong Joseph Estrada na makabalik sa Malacañang dahil sa kanyang karisma sa masa, maliit naman ang tsansa nitong makalusot sa mga appointees ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Supreme Court (SC).
Non-rice farmers, hinimok magtanim ng palay
Hinikayat ni Senator Loren Legarda ang lahat ng magsasakang Pilipino, maging iyong mga nagtatanim ng gulay at iba pang non-palay crops, na magtanim na rin ng palay sa kanilang planting schedules gamit ang crop rotation techniques.
GRAFT CASE KAY NANI MAHINA -- UNO
Isa na naman umanong uri ng walang kwentang pagkukunwari ang kasong graft na isinampa laban kay dating Justice Secretary Hernando ‘Nani’ Perez na layuning ipakita umano sa publiko na ng Office of the Ombudsman ay may kakayahang litisin ang mga graft cases laban sa sinumang kaibigan at kamag-anak ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ayon sa United Opposition (UNO) kahapon.
Rizal, idineklarang FMD-free
KAPITOLYO NG RIZAL --- Iniangat ng Bureau of Animal Industry (BAI) at ang National FMD Task Force ang Foot and Mouth Disease (FMD) status ng Lalawigan ng Rizal mula sa Protected Zone tungo sa FMD-free with vaccination.
Magnanakaw ng tubig, kakasuhan
Nahaharap ngayon sa demanda ang nagma­may-ari ng isang mala­king gusali sa Mandaluyong matapos matuklasan ang iligal na paggamit ng tubig. Sa isang imbestigasyong ginawa ng Manila Water, napag-alaman na ibinebenta umano ng may-ari ng gusali sa mga nangungupahan dito ang tubig na nakukuha sa pamamagitan ng iligal na koneksyon.
 

Microsoft Internet Explorer 7