APRIL 19, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
OTHER NEWS
 
 
Palace boy, nang-abandona ng asawa’t anak!
Rey Marfil

Bagama’t ipinapayo ng simbahan ang pagsasama hanggang kamatayan ng mag-asawa at kontra ang nakakaraming Pilipino sa dumaraming kaso ng “broken family”, bingi naman dito ang isang kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang rason, madiskubre ng TONITE Spy kung paano ipinagpalit ni Palace Boy ang tahimik at magandang buhay, kasama ang asawa at anak sa isa sa dalawang staff na nagsisilbing ‘Angel’ sa kanyang opisina.

Bago pa man inabandona ni Undersecretary (Usec) ang pamilya, ito’y makailang-beses napa­balitang karelasyon ang isa sa dalawang staff suba­lit walang makakapagpatunay sa naglalabasang intriga at pawang “deny to death” ang kumag sa harap ng kanyang asawa.

Sa mahabang panahon, simula nang maitalaga ni Pangulong Arroyo sa Malacañang, paulit-ulit itinatanggi ni Palace boy ang pagkakaroon ng karelasyon hanggang ikinagulat ng kanyang misis ang biglaang paglayas nito sa kanilang bahay, bitbit ang mga gamit nito.

Nang lumayas si Palace boy, ito’y walang maibigay na paliwanag sa kanyang misis kung bakit tinatapos ang magandang pagsasama, maging ang tuluyang pag-abandona sa isang taong gulang na anak na paulit-ulit na nagtatanong sa ina kung nasaan ang kanyang ama.

Ang masakit sa lahat, walang makuhang kakampi ang misis ni Palace boy sa panig ng mga kapamilya ng opisyal dahil numero uno itong “mama’s boy”.
Nang maintriga ang pagkakaroon ng “angels”, isa sa tauhan ang nag-resign at nanirahan sa ibang bansa para makaiwas sa eskandalo kaya naiwan sa opisina ng kumag ang karelasyong bebot nito.

Clue: Never heard sa pulitika ang pangalan ni Palace boy, maliban sa pagkakabansag bilang “Boy Tsibog” ng Malacañang dahil napakatakaw, hindi lamang sa foreign trip kundi sa pagkain. Ito’y meron letrang “C” sa apelyido, as in mala-Charlie ang arrive sa presidential garden kung saan na-appoint dahil kaibigan ang isa sa anak ng Pangulo.

 

Microsoft Internet Explorer 7