APRIL 19, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Sabi ni Annabelle, dapat tanggalin si Cristy sa ‘The Buzz’
Allan Diones
 

ANG kontrobersyal na guesting ni Tita Annabelle Rama sa The Buzz two Sundays ago ang sinasabing dahilan kaya hindi napanood si Tita Cristy Fermin sa nasabing showbiz talk show nu’ng nakaraang Linggo.

Ang bali-balita ay nasaktan si Tita Cristy na sa mismong show niya ay nagawa siyang ‘pangaralan’ on the air ni Tita Annabelle at hindi man lang siya naproteksyunan ng programa.

Dahil doon ay kumalat ang isyung umalis na sa The Buzz si Tita Cristy (na kasalukuyang nasa Canada) at babalik sa show si Kris Aquino.

Pahayag ni Tita Annabelle nang matsika namin siya kamakalawa nang gabi sa set ng pelikula nilang My Monster Mom, “Excited talaga akong magsalita after 13 years. Dalawang shows ang kumukuha sa akin, Showbiz Central at saka The Buzz.

“Actually, Showbiz Central muna. Nu’ng tumawag sa akin ang The Buzz na ang topic daw ay si Cristy Fermin, mas tinanggap ko ‘yung The Buzz, kinansel ko ‘yung Showbiz Central.

“Kasi, sa Showbiz Central, mukha akong tanga, ngangawa-ngawa na wala roon ang kalaban ko, ;di ba? At least, sa The Buzz, nandu’n ‘yung kalaban… hindi pala kalaban, ‘yung dinemanda ko.

“At least, magsalita man ako, kaharap ko siya. Sabi ko nga sa The Buzz, ‘Boy, nandiyan siya (Cristy), o!’ Tinuro ko pa, ‘di ba? Dapat hindi siya magalit sa akin, kasi 13 years akong tahimik. At least, panalo ako!”

Anong feeling niya sa isyung umalis na raw si Tita Cristy sa The Buzz, at ang latest ay pati na rin daw sa radio program nito sa DZMM?

“Ang alam ko, dapat naman talagang alisin siya, kasi, wala na siyang credibility! Kasi, sino pang maniniwala sa kanya, eh talk show ‘yan, ‘di ba?

“Sabi ng lawyer ko, dapat lang na mawala siya sa talk shows, kasi, wala nang maniniwala sa kanya. Kasi, convicted, eh!

“‘Di bale kung hindi convicted, okey lang, ‘di ba? ‘Yun lang!” maigting na bulalas ni Bisaya.

Hindi ba siya nagi-guilty sa nangyari?

“Bakit ako magi-guilty?! Dapat masaya ako dahil ngayon lang ako nakaganti after 13 years, ‘no!” tili ni Tita Annabelle, na nanalo sa kasong libelo na isinampa niya sa TV host-columnist 13 taon na ang nakalilipas.

Samantala, bago umalis pa-Canada ay nabanggit ni Tita Cristy sa isang interview na babalik siya ng The Buzz, magbabakasyon lang muna siya nang ilang linggo sa ibang bansa.

Uminit din ang ulo ni Tita Annabelle doon sa nagsulat na tsinugi si Richard sa SOP.

“Ako, basta hindi totoo, doon ako nagagalit. Alam n’yo naman ako, basta totoo, inaamin ko talaga.

“Kailan ba ako nagsinungaling sa mga press? Kaya ako nagalit, dahil mali ‘yung sinulat. Hindi tsinugi si Richard, siya ang magre-resign (sa SOP)!” sambit pa ng madir ni Richard na enjoy na enjoy sa ‘comeback movie’ niyang My Monster Mom.

***

Kinunan na ang mga eksena ni Richard Gutierrez sa My Monster Mom kung saan gumaganap siya bilang batang Eddie Gutierrez, na asawa ni Tita Annabelle sa pelikula. Si Rhian Ramos ang young Annabelle.

“Maganda, nakaka­aliw ‘yung pelikula. Magaling si direk (Joey Reyes). First ko with Direk Joey, pero guest role lang. Patikim pa lang, pero nag-enjoy kaagad ako. Ang bilis magtrabaho ni direk!” masayang dayalog sa amin ni Chard sa set ng MMM habang lumalantak ng pizza.

Tuwang-tuwa si Richard sa mommy niya na bukod sa may sariling pelikula ay hataw sa TV commercials.

“Late bloomer, ‘di ba? At saka unexpected. Ngayon, mas in demand pa si mommy kesa sa a­ming lahat! Pati commercials niya, sunud-sunod.
“I’m happy for her. At saka natural siyang umarte. Ako mismo, natatawa sa kanya. Mas natatawa ako sa kanya more than natatakot.

“Takot ako sa kanya, pero mas takot ako sa dad ko. Kasi, ang mom ko, laging galit. So, sanay na kami ‘pag nagagalit siya. Ang dad ko, bihirang-bihirang magalit, so ‘pag nagagalit ‘yon, lahat kami takot na. Kay mommy, sanay na kami, eh!” natatawang sey ni Chard.

Sa totoong buhay ba ay may pagka-‘monster’ ang kanilang mommy?
“Façade niya lang ‘yon, pero ang puso niya, malambot. Strong lang talaga ang personality niya, pero inside, mabait siya.”
So, hindi monster si Tita Annabelle?

“Hindi! Itanong n’yo kay Ate (Ruffa) ‘yon, huwag sa akin! Ha! Ha! Ha!” halakhak ni Richard.

 

Microsoft Internet Explorer 7